Month: Disyembre 2019

Katapatan ng Dios

Noong bisperas ng bagong taon, dumalo ako sa pagtitipon naming sumasampalataya kay Jesus. Habang pinagmamasdan ko ang mga naroon, naalala ko ang pagtugon ng Dios sa mga problemang nararanasan ng bawat isa. Sama-sama kaming nagdalamhati noon dahil sa mga napariwarang anak, mga namatayan, mga nawalan ng trabaho at ang mga nasira ang relasyon. Sa kabila ng mga iyo’y naranasan namin ang…

Natapos na Gawain

Sa pagtatapos ng taon, nakakalungkot isipin na hindi natin natapos ang ilang mga bagay na dapat tapusin. Para bang walang katapusan ang mga responsibilidad natin. Ang mga hindi naman natin natapos ay nadadagdag lang sa mga susunod pa nating gagawin. Gayon pa man, dapat tayong saglit na huminto para ipagdiwang ang katapatan ng Dios at ang mga gawaing natapos.

Napapagod tayo…

Pagkamangha

Ang hummingbird ay isang uri ng ibon. Hinango ang pangalan nito sa tunog na ginagawa ng pakpak nito kapag pumapagaspas. “Flower-kisser” ang tawag ng mga Portuges dito at “flying jewels” naman ang tawag ng mga Espanyol. Ang pinakagusto ko ay ang “biulu” na tawag ng mga katutubong taga Mexico na ang ibig sabihi’y tatatak sa paningin. Sa madaling salita, kapag…

Masayang Puso

Minsan nang nagmamaneho ako, bigla na lang may tumawid sa harap ng sasakyan ko. Hindi niya ako siguro napansin. Mabuti na lang at nakapagpreno ako agad. Nagulat siya at nagkatinginan kami. Nang mga oras na iyon, inisip ko kung susungitan ko ba siya o ngingitian na lang. Pinili kong ngumiti na lang. Dahil doon, kitang kita na gumaan ang pakiramdam…

Pagpapasalamat

Noong bago pa lang akong sumasampalataya kay Jesus, isinusulat ko ang mga dapat kong ipagpasalamat sa Dios. Kung minsan, naisusulat ko agad ang mga ipinagpapasalamat ko. Kung minsan naman, umaabot pa ng isang linggo bago ko maisulat ang mga iyon.

Magandang makasanayan ang pagsusulat ng mga papuri’t pasasalamat sa Dios. Gusto ko ulit iyon makasanayan. Malaking tulong kasi iyon para lagi…