Makasalanan Tulad Natin
Ikinuwento sa akin ng kaibigan kong si Edith ang araw na nagdesisyon siyang magtiwala kay Jesus. Minsan, pumasok siya sa isang simbahan na malapit sa kanyang tinitirhan. Tila may kulang kasi sa kanyang buhay. Ang itinuturo ng pastor ay ang mababasa sa Lucas 15:1-2: “Maraming maniningil ng buwis at iba pang itinuturing na makasalanan ang pumunta kay Jesus upang makinig sa…
Tagumpay sa Pagsubok
Nagtitipon kaming magkakaibigan buwan-buwan upang kumustahin ang buhay ng bawat isa. Ibinahagi ng kaibigan kong si Maria na nais niyang muling pagandahin ang mga silya sa kanyang silid-kainan bago matapos ang taon. Nang magkita kaming muli sa buwan ng Nobyembre, ikinuwento niya sa amin na lumipas ang maraming buwan na hindi pa rin niya naaayos ang mga silya dahil sa pagiging…
Pag-asa sa Kalungkutan
Noong ako’y labinsiyam na taong gulang, namatay sa aksidente ang isa kong malapit na kaibigan. Pagkatapos ng trahedyang iyon, napuno ng lungkot ang buhay ko sa bawat araw na lumipas. Dahil sa sakit ng pagkawala ng aking kaibigan, tila hindi ko na alam kung anong nangyayari sa aking paligid. Nabalot ako ng kalungkutan at hindi ko na maramdaman ang Dios sa…
Ibibigay ng Ama
Marami akong tungkulin bilang isang tatay. Isa na rito ang tiyaking ligtas ang aking mga anak. Minsan, natuklasan ng mga anak ko na may mga bubuyog sa harapan ng aming bahay. Kaya naman, kinuha ko agad ang pampatay sa mga bubuyog. Pero limang beses akong nakagat nito.
Masakit makagat ng mga bubuyog. Pero ayos lang sa akin na ako ang nakagat…
Bukas-Palad
Palagi akong binibigyan ng aking asawa ng magaganda at mamahaling bulaklak tuwing anibersaryo ng aming kasal. Hindi ko inaasahan na kahit nawalan siya ng trabaho ay bibigyan niya pa rin ako ng mga bulaklak sa ikalabinsiyam na anibersaryo ng aming kasal. Nag-iipon siya ng pera upang maipagpatuloy niya ang nakasanayan niyang gawaing ito. Ipinapadama niya sa akin na mahal na mahal…