Month: Setyembre 2020

Kamangha-mangha

Bago mamatay si Lilias Trotter na isang pintor at misyonero, nakakita siya ng pangitain ng isang karwaheng mula sa langit. Dahil doon, naitanong ng kaibigan niya kung nakakita siya ng kamangha-manghang bagay. Sinabi naman ni Lilias na marami siyang nakita na kamangha-mangha.

Hindi lang sa pangitain nakakita ng kamangha-manghang bagay si Lilias. Naranasan niya rin ito sa kanyang buhay. Kahit na…

Sumunod sa Dios

Namasyal kami noon ng aking pamilya. Habang naglalakad kami, tinapik ko sa balikat ang anak kong lalaki at sinabi sa kanya na sundan niya lang ang direksiyon na pinupuntahan ng kanyang ina at mga kapatid na nasa unahan niya. Paulit-ulit ko siyang tinatapik dahil madalas siyang lumilihis ng daan. Nagtataka ako kung bakit hindi na lang siya sumunod sa nanay at…

Makinig sa Kapatid

Narinig ko minsan ang aking kapitbahay na kinakausap ang kanyang nakababatang kapatid, Sabi nito, “Kailangan mong makinig sa akin.” Alam niya kung ano ang mas makakabuti dahil mas matanda siya. Marami sa atin ang hindi nakikinig sa mga payo ng mga nakatatanda nating kapatid. Dahil doon, nararanasan natin ang masamang dulot ng hindi pakikinig sa kanila.

Bilang mga sumasampalataya naman kay…

Pagpapalakas ng Loob

Ang pelikulang The King’s Speech ay tungkol sa hari ng Inglatera na si George VI. Noong panahong iyon, malaki ang impluwensiya ng radyo kaya gusto ng mga opisyal ng gobyerno na mahusay sa pagsasalita ang kanilang hari. Pero hindi ito naging madali para kay Haring George dahil nauutal siya kapag nagsasalita.

Malaki ang naging papel ng asawa ng hari na si…

Hindi Inaasahan

Noong 1986, nalaglag ang 5 taong gulang na si Levan Merritt at napunta sa kulungan ng mga gorilya. Habang humihingi ng saklolo ang kanyang mga magulang at ibang mga naroon, isang malaking gorilya na nagngangalang Jambo ang lumapit kay Levan. Marahang hinaplos ni Jambo ang likod ni Levan habang hinaharangan ang ibang gorilya para hindi makalapit sa bata. Hanggang ngayon, ikinukuwento…