Month: Nobyembre 2020

Laging Kasama

May natutunan akong aral tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak nang minsang magpunta kami ng anak ko sa isang dentista. Kailangan na noong bunutin ang isang ngipin ng aking anak na humaharang sa patubo na niyang permanenteng ngipin.

Umiiyak na nagmakaawa sa akin ang aking anak na kung maaari sana ay huwag muna itong bunutin at baka may…

Karunungan

Kinasuhan ng isang lalaki ang babaeng umaangkin ng kanyang aso. Sinabi naman ng babae sa korte kung saan niya binili ang aso upang patunayan na sa kanya talaga ito. Hindi nagtagal, nalaman na kung sino talaga ang nagmamay-ari sa aso. Ang lalaki ang tunay na may-ari, nilapitan siya agad ng aso nang palabasin ito ng hukom.

Parang ganoon din ang hinawakang…

Ang Dios ang Hari

Sinabi sa isang balita na ang pag-atake ng mga terorista sa 2 simbahan noong Abril 2017 sa bansang Egipto ay maituturing na pinakamasamang araw para sa mga nagsisimba roon. Marami ang nasaktan at nasawi sa trahedyang iyon. Ang mga ganitong pangyayari ay hindi natin lubusang maunawaan. Sa panahong makakaranas tayo ng mga trahedya o pagsubok sa buhay, maaari tayong humingi ng…

Pagkakaisa

May isang grupo sa Detroit na naglunsad ng isang proyekto para sa ikagaganda ng kanilang lungsod. Gumawa sila ng isang slogan para rito, “Makita n’yo sana ng ating lungsod kung paano namin ito nakikita.” Pero sa kalaunan, biglang itinigil ang proyekto. Napansin kasi ng mga tagaroon na hindi akma ang ipinaskil nilang mga larawan para sa proyekto. Panay puting Amerikano kasi…

Asong-gubat

Habang kausap ko sa telepono ang aking kaibigan, naaaliw ako sa naririnig kong tunog na mula sa mga seagull na isang uri ng ibon. Hindi naman natutuwa ang kaibigan ko sa mga seagull dahil nakakaperwisyo lang daw ang mga ito sa kanila. Ang mga asong gubat naman ang perwisyo sa aming lugar sa London.

Binangggit sa Biblia ang mga asong-gubat. Makikita…