May nagawang mali ang pamingkin ko. Pero nakikita ko namang alam niyang mali iyon at hindi niya dapat ginawa. Kaya naman naupo ako upang makapagusap kami. Nakapikit naman siyang humarap sa akin. Siguro sa isip niya, kapag ginawa niya iyon ay hindi ko na rin siya makikita. Na makapagtatago na siya, at hindi na kami mag-uusap at hindi na rin siya maparurusahan gaya ng kanyang inaasahan.
Natutuwa naman ako na maaari ko siyang makausap sa pagkakataong iyon. Alam kong hindi ko dapat palampasin ang ginawa niya at dapat naming pagusapan ito pero ayaw ko naman na magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Gusto kong tumingin siya sa akin upang makita niya kung gaano ko siya kamahal at handa ko siyang patawarin.
Dito ko naisip na ganoon din siguro ang naramdaman ng Dios nang sirain nina Adan at Eva ang tiwala sa kanila ng Dios doon sa hardin ng Eden. Sinubukan nilang magtago nang mapagtanto nila ang kanilang pagkakamali (GENESIS 3:10) pero hindi nila ito magagawa dahil nakikita pa rin sila ng Dios tulad ng pagkakita ko sa aking pamangkin.
Ganito rin naman ang ginagawa natin sa tuwing nagkakasala tayo. Para lang hindi maparusahan, nagtatago tayo o pinagtatakpan natin ang nagawa natin. Pero lagi nating tatandaan na nakikita ng Dios ang lahat at sa Kanya tayo mananagot. Gayon pa man, patuloy pa rin na ipinapadama ng Dios ang Kanyang pagmamahal at handa Siyang magpatawad sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesu-Cristo.