Kinilala bilang pinakamagaling na namuno sa emperyong Roma si Caesar Augustus. Dahil ito sa kanyang husay sa pamamahala at sa lakas ng kanyang hukbo. Natalo niya ang kanyang mga kalaban at napalawak pa niya ang kanyang nasasakupan. Hinango rin niya ang bansang Roma mula sa hirap at ginawang siyudad ng mga marmol. Pinarangalan siya ng mga Romano bilang kanilang dakilang ama at tagapagligtas ng sangkatauhan. Ito ang kahulugan ng mga huling sinabi niya nang matapos ang kanyang pamumuno, "Nagampanan ko ba nang maayos ang aking papel? Kung ganoon magpalakpakan kayo!"
Ang hindi alam ni Augustus ay nabigyan talaga siya ng maliit na papel sa isang napakalaking kuwento. Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay isinilang ang anak ng karpintero na maihahayag na higit pang dakila sa hukbo ng Roma, mga itinayong templo, istadyum at palasyo (LUCAS 2:1).
Pero sino ang makakaunawa sa kaluwalhatiang hatid ng panalangin ni Jesus noong gabing nais Siyang ipapako sa krus ng mga tao (JUAN 17:4-5)? Sino ang makababatid ng tunay na dahilan ng sakripisyong ginawa Niya na marapat lamang palakpakan sa buong panahon sa langit at maging sa lupa?
Isa itong napakagandang kwento. Natagpuan tayo ng Dios na naghahabol sa ating mga pangarap at naglalabanlaban. Ngunit iniwan naman Niya tayong umaawit na tungkol sa krus na hapis.