Napaaga ang pagpasok ng anak kong babae sa eskwelahan kaya inaya niya ako na dumaan muna kami sa isang coffee shop. Pumayag naman ako. Pagdating namin doon, tinanong ko siya, “Gusto mo bang magpasaya ngayon?” Sumagot naman siya, “Sige po!”
Noong babayaran na namin ang aming binili, sinabi ko sa barista na babayaran na rin namin ang binili ng dalagitang nasa likuran namin. Ganoon na lang ang ngiti ng anak ko nang marinig niya iyon.
Sa mundong ating ginagalawan, tila maliit na bagay lang naman ang manlibre ng kape. Pero, maliit nga lang ba? Naisip ko na maaaring paraan ito para magawa natin ang nais ni Jesus na kalingain ang mga itinuturing na pinakahamak (MATEO 25:40). Ipagpalagay natin na ang tinutukoy ni Jesus ay ang mga nakakasalamuha natin tulad ng nasa likod o kasunod natin sa pila. Maaari natin silang bilhan ng kape o tulungan sila sa abot ng ating makakaya, maliit man ito o malaki. Ayon nga kay Jesus, ano man ang gawin natin para sa ating kapwa ay para narin natin itong ginawa sa Kanya (TAL. 40).
Habang papaalis na kami, nakita namin ang kasiyahan sa mukha ng dalagita. Masaya rin ang barista habang inaabot ang kape sa dalagita.