Tuwang-tuwa ako nang ayain ako ng aking pinsan sa manghuli ng mga crayfish o ulang. Nang iabot niya sa akin ang timba, tinanong ko siya kung bakit wala itong takip. “Hindi na kailangan” sagot naman niya. Pagkaraan ng ilang sandali, nalaman ko na ang sagot sa aking tanong. Dahil habang pinapanood ko ang mga ulang, napansin kong sa tuwing may makakarating na isa sa taas, hihilahan naman ito ng iba pababa.
Ang ugaling ito ng mga ulang ang nagpaalala sa akin na walang mabuting maidudulot ang pagiging makasarili at ang pag-iisip lamang sa sariling kapakanan. Alam ito ni Apostol Pablo maging ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan. Sinabi niya sa kanyang sulat sa mga tagaTesalonica, “pagsabihan nʼyo ang mga tamad. Palakasin ang mga mahihina sa pananampalataya nila. Maging mapagpasensya kayo sa lahat” (1 TESALONICA 5:14).
Pinuri ni Pablo ang pagkakaroon nila ng malasakit sa isa’t isa (TAL. 11). Hinikayat niya rin sila na mas lalong magpakita ng pagmahahal at mabuting pakikitungo sa bawat isa (TAL. 13-15). Lalong magiging matatag ang kanilang relasyon sa Dios at sa lahat kung sisikapin nilang maging mapagpatawad at laging nagpapakita ng kabutihan at kaawaan (TAL. 15,23).
Kung ang mga sumasampalataya kay Jesus ay nagmamahalan, nagkakaisa at nagpapalakasan, mas mahihikayat nila ang iba na sumampalataya rin sa Panginoong Jesus. Lalago rin ang komunidad na hindi hinihila ang kapwa pababa.