Humingi ng tulong ang isang lalaki sa kanyang kapamilya para sa kanyang bayarin. Mabigat para sa kanila na tulungan siya dahil marami din silang mga dapat bayaran. Pero kahit ganoon, ginawa nila ang lahat para tulungan siya.
Sumulat ang lalaki sa kanila bilang pasasalamat, “Lagi na lang kayong tumutulong, pero iniisip n’yo na maliit na bagay lang ito.”
Hindi maliit na bagay ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa paningin ng Dios. Ito rin ang nais iparating ni Propeta Isaias sa mga Israelita dahil nag-aayuno ang mga ito pero patuloy na nag-aaway-away. Sinabi niya, “Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin (ISAIAS 58:6 MBB)… Bigyan ninyo ng pagkain ang mga nagugutom, patirahin ninyo sa inyong tahanan ang mga walang tahanan, bigyan ninyo ng damit ang mga walang damit, at tulungan ninyo ang inyong mga kaanak” (TAL. 7).
Sinabi rin ni Isaias na kapag ginawa nila iyon, sisikat ang liwanag sa kanila at maghahatid ng kagalingan (TAL. 8). Ganoon ang ginawa ng kapamilya ng lalaki, tumulong pa rin sila kahit nagigipit. May pangako naman ang Dios sa mga mapagbigay, “Mahahayag sa inyong unahan ang mabubuti ninyong gawa, at sa inyong hulihan ay papatnubayan kayo ng kaluwalhatian ni Yahweh” (TAL. 8). Dahil nagbigay sila sa kanilang kapamilya, lalo silang pinagpala ng Dios. At higit na mapagbigay ang Dios dahil ibingay Niya ang lahat sa atin nang may pagmamahal.