Habang ipinapalabas sa telebisyon ang panunumpa ng kauna-unahang African-American na naging presidente ng US, ipinakita ang kuha na panoramic view ng mga taong nanonood na umabot ng halos dalawang milyon. Sabi ng tagapag-ulat ng CBS News, “ang bida sa balitang ito ay ang malawak na kuha ng camera.” Iyon ang tanging paraan para makuhanan ang napakaraming taong iyon na dumalo sa pagtitipon.
Makikita din naman sa Bilia ang ganitong karaming tao, na nagsama-sama dahil sa kanilang pananampalataya kay Jesu-Cristo. Nakasaad ito sa 1 Pedro 2:9 “Kayo'y mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios… upang ipahayag ninyo ang kahangahanga Niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga Niyang kaliwanagan.”
Hindi ito larawan ng ilan na binigyan ng pribilehiyo, sa halip, larawan ito ng mga abang tinubos ng Dios “mula sa bawat angkan, wika, lahi, at bansa” (PAHAYAG 5:9). Sa ngayon, kalat-kalat tayo sa iba’t ibang dako ng mundo at marami ang nakakaramdam ng pag-iisa at paghihirap dahil sa katapatan kay Jesus. Pero makikita natin sa lente ng Salita ng Dios ang lahat ng sumasampalataya kay Cristo na samasamang nagbibigay parangal sa Panginoon na nagligtas at tumanggap sa atin para maging Kanya.
Patuloy tayong magkaisa at sama-samang papurihan ang Panginoon na nag-alis sa atin sa kadiliman patungo sa kaliwanagan!