Tinanong ko minsan ang aking kaibigan, “Ano ba ang diatom?” Sabi niya, “Parang lumot din ‘yan pero mas maliliit at mahirap makita kaya kailangan pang lagyan ng langis ang lente o dapat patay na ang mga iyan para makita.” Namangha ako habang tinitingan ko ang larawan ng mga ito sa cellphone niya. Hindi rin mawala sa isip ko kung gaano kahusay ang pagkakalikha ng Dios sa mga ito na may buhay pero makikita lang sa pamamagitan ng miscroscope!
Tunay na kamangha-mangha ang mga likha at gawa ng Dios. Ganito ang nais iparating ni Elihu kay Job nang dumaranas ito ng kapighatian. Sinabi niya kay Job, “Tumigil ka sandali, Job, at iyong isipin, ang mga gawa ng Dios na walang kahambing.
Alam mo ba kung paano Niya inuutusan na maglabasan ang kidlat sa kalangitan? Alam mo ba kung bakit ang ulap ay lumulutang? Iyan ay gawa ng makapangyarihan Niyang kamay. Tunay at ganap ang Kanyang kaalaman” (JOB 37:14-16 MBB). Bilang mga tao, hindi natin lubusang mauunawaan ang Dios at kung gaano kabusisi ng pagkakalikha Niya sa lahat.
Mababanaag pa rin ang kaluwalhatian at kapangyarihan ng Dios kahit sa mga nilikha Niyang hindi natin nakikita. Napapalibutan tayo ng Kanyang kaluwalhatian. Ano man ang ating dinaranas na problema, tandaan natin na laging kumikilos ang Dios para sa atin, hindi man natin ito nakikita o naiintindihan. Papurihan natin Siya ngayon, “Sapagkat gumagawa Siya ng mga kahanga-hangang bagay at mga himalang hindi kayang unawain o bilangin” (JOB 5:9).