May itinago raw ang milyonaryong si Forrest Fenn sa Rocky Mountains ng isang kahon na naglalaman ng mga alahas at ginto na nagkakahalaga ng 2 milyong dolyar. Marami ang pumunta roon para hanapin ang kahon. Sa katunayan, 4 na ang namatay dahil lang sa pagsasaliksik sa mga ito.

May ginto ba o kahit anong kayamanan na karapat-dapat hanapin at ibuwis ang buhay para dito? Sa Kawikaan 4, mababasa naman natin ang sulat ng isang ama sa kanyang anak tungkol sa kahalagahan ng paghahanap o pagsasaliksik ng tao sa karunungan upang makapamuhay nang matuwid (TAL. 7). Sinasabi pa niya na ito ang magsisilbing gabay sa buhay at makapagbibigay ng karangalan (TAL. 8-12).

May isinulat din si Santiago na apostol ni Jesus tungkol sa kahalagahan ng karunungan. Sinabi ni Santiago, “Ang taong may karunungang mula sa Dios, una sa lahat ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari” (SANTIAGO 3:17). Kung sasaliksikin natin ang karunungan, makakasumpong tayo ng magagandang bagay sa ating buhay.

Ang pagsaliksik sa karunungan ay pagsaliksik din sa Dios na siyang pinagmumulan ng lahat ng karunungan at pang-unawa. At ang karunungang ito na mula sa Dios ay higit na mahalaga kaysa sa ano mang itinagong kayamanan.