Month: Hunyo 2021

Masakit na Salita

Noong bata pa ako, tinutukso ako ng ibang bata na isa raw akong patpat dahil sobrang payat ko. Nasasaktan ako tuwing tinutukso nila ako. Tumanim sa isipan ko ang masasakit na panunukso nila sa akin.

Naranasan din naman ni Hanna na masaktan dahil sa masasakit na salita. Mahal siya ng asawa niyang si Elkana pero wala silang anak. Ang pangalawang asawa…

Malinaw na Pag-uusap

Habang naglalakbay ako sa mga bansa sa Asya, nasira ang aking ipad. Ito ay isang maliit na kompyuter na ginagamit ko sa aking trabaho. Pumunta ako sa isang tindahan na gumagawa ng kompyuter pero nagkaroon na naman ako ng isang problema.

Hindi kasi ako marunong magsalita ng wikang Chinese at ang nag-aayos naman ng kompyuter ay hindi marunong magsalita ng wikang…

Pinili ng Dios

Galing sa mahirap na pamilya si Rodney Smith. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga magulang. Nang magtiwala siya kay Cristo sa isang pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus noong 1877, narinig niyang sinabi ng isang tao na, “Galing lang ang batang iyan sa mahirap na pamilya.” Pero hindi pinansin ni Rodney kung ano ang tingin ng mga tao sa kanya.…

Papawiin ang Kalungkutan

Nabulag si Mary Ann Franco dahil sa isang malubhang aksidente sa kotse. Makalipas ang 21 taon, nahulog naman siya at nasaktan ang kanyang likod. Matapos siyang operahan sa likod, himalang nanumbalik ang kanyang paningin. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang mukha ng kanyang anak. Hindi maipaliwanag ng doktor ang panunumbalik ng kanyang paningin. Akala ni Mary Ann na habambuhay na…

Dios ng mga Bansa

Inilarawan ni Peter Furler ang pagtatanghal ng kanyang banda tuwing kinakanta nila ang awit ng papuring may pamagat na “He Reigns.” Ang awiting ito ay tungkol sa sama-samang pagpupuri sa Dios ng mga sumasampalataya kay Jesus mula sa iba’t ibang tribo at bansa. Sinabi ni Furler na sa tuwing inaawit nila ang kantang ito ay nararamdaman niya ang pagkilos ng Banal…