Hindi Siya Mahuhuli
Agad na naisugod sa ospital ang biyenan ko nang atakihin siya sa puso. Sinabi ng kanyang doktor na ang mabilis na paglalapat ng lunas sa loob ng labinlimang minuto matapos ang atake ay may tatlumpu’t tatlong porsyentong tsansa ng paggaling. Pero ayon din sa kanya, mayroon lamang limang porsyentong tsansang mabuhay ang isang taong inatake kung siya ay nadala sa ospital…
Mabuting Halimbawa
Masaya ang anak kong si Owen sa bago niyang laruan. Nalungkot naman siya dahil kahit tatlumpung minuto na niyang binabasa ang mga direksyon, hindi pa rin niya maintindihan kung paano ito laruin. Makalipas ng ilang saglit, dumating ang kaibigan ni Owen. Alam na ng kanyang kaibigan kung paano gamitin ang laruan at ipinakita niya iyon kay Owen. Sa wakas ay masaya…
Sino Siya?
Pauwi na kami ng asawa ko mula sa isang bakasyon. Habang hinihintay namin na maiayos ang bagahe namin sa paliparan, itinuro ko sa asawa ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan. Tinanong ako ng aking asawa, “Sino siya?”
Ikinuwento ko sa aking asawa ang iba’t ibang karakter na ginampanan ng sikat na artistang iyon. Pagkatapos ay lumapit ako sa aktor at…
Tamang Pagtulong
Habang nakahinto ako sa pagmamaneho, muli kong nakita sa tabing-daan ang lalaking nakita ko na noon. May hawak siyang karatula: Kailangan ko ng pera pangkain. Makakatulong kahit magkanong halaga. Ibinaling ko sa iba ang paningin ko at napabuntong hininga. Isa ba akong klase ng tao na hindi pumapansin sa mga nangangailangan?
May ibang tao na nagpapanggap lang na nangangailangan sila. May…
Parada ng Tagumpay
Nanalo sa unang pagkakataon ang Chicago Cubs sa World Series noong 2016 matapos ang halos higit isang siglo. Tinatayang limang milyong mga tao ang nagtipon at nakiisa sa parada para ipagdiwang ang kanilang tagumpay.
Hindi na bago ang mga parada ng tagumpay. Isa sa kilalang parada ng tagumpay ay ang ginagawa ng mga Romano noon. Sa paradang iyon, naglalakad ang mga…