Nakahanda na akong masilayan ang tinatawag na solar eclipse sa pagkakataong iyon. Milyun-milyong tagaAmerika rin ang nag-aabang nito. Pinadilim ng eclipse ang maliwanag na sikat ng araw noong hapong iyon.
Bagamat nakakatuwang masaksihan ang eclipse at nagpapaalala ito ng pagiging makapangyarihang Manlilikha ng Dios (SALMO 135:6-7), nakakabahala naman para sa mga Israelita noon ang biglang pagdilim ng langit kahit araw pa. Ipinapahiwatig nito na may hindi magandang mangyayari (EXODUS 10:21; MATEO 27:45).
Ganoon din ang pahiwatig ng kadiliman para kay Amos. Isa siyang propeta ng Dios noong panahon na nahati ang bansang Israel. Binalaan ni Amos ang kaharian mula sa hilaga na tiyak na wawasakin sila kung patuloy silang tatalikod sa Dios. Bilang tanda na mangyayari iyon, sinabi ng Dios, “Sa araw na iyon, palulubugin Ko ang araw sa katanghaliang tapat, kaya didilim ang buong lupain kahit araw pa” (AMOS 8:9).
Higit naman na ninanais at layunin ng Dios na isaayos ang lahat. Kahit na binihag ang mga Israelita, nangako ang Dios na darating ang araw na muli Niyang itatayo ang kaharian ni David at aayusin ito mula sa pagkakagiba (9:11).
Kahit tila nasa kadiliman tayo tulad ng mga Israelita dulot ng mga pangyayari sa ating buhay, mapapanatag ang ating loob dahil alam nating kumikilos ang Dios. Muli Niyang pagliliwanagin ang ating buhay at panunumbalikin ang ating pag-asa (GAWA 15:14-18).