Month: Mayo 2022

Magkuwento

Ang mga katagang, “Noong unang panahon” marahil ang isa sa pinakamakangyarihang mga salita sa buong mundo. Naalala ko noon na lagi kaming nananabik ng kapatid ko na makarinig ng kuwento mula sa aming ina. Tuwing gabi, binabasahan niya kami ng mga kuwento mula sa librong My Good Shepherd Bible Story Book na tungkol sa pagmamahal ng Dios at sa iba’t…

Tumingala

Nang ipasilip ng tagagawa ng pelikulang si Wylie Overstreet ang buwan gamit ang kanyang teleskopyo, labis na namangha ang mga tao. Humanga sila sa ganda nito sa malapitan. Sinabi ni Wylie na sa pamamamagitan ng pagmamasid sa napakagandang buwan na iyon ay lalo tayong mapapaisip na mayroon talagang dakilang Manlilikha na nakahihigit sa atin.

Lubos ding namangha si David sa…

Kailangang Ayusin

“Kagagawa lang ng kalsadang ito pero babaklasin na naman nila ulit?” Ito ang minsang nasabi ko sa aking sarili habang nagmamaneho at bumabagal ang takbo ng trapiko dahil sa ginagawang kalsada. Naisip ko rin na bakit kaya lagi na lang may kailangang ayusing kalsada. At kahit minsan, wala pa akong nakitang karatula sa daan na nagsasabi na tapos na ang…

Huwag Agawin

Nang minsang tanungin kami ng aming pastor ng isang napakahirap na tanong tungkol kay Jesus, itinaas ko agad ang kamay ko. Kakabasa ko lng sa Biblia ng tungkol doon kaya alam ko ang sagot. At gusto ko ring ipakita sa mga kasama ko sa klaseng iyon na alam ko rin iyon. Bilang isang tagapagturo ng Biblia, ayokong mapahiya sa harapan…

Bukas Palad

Laging bukas ang tahanan ni Saydee at ng kanyang pamilya para sa lahat lalo na sa mga may pinagdaraanang pagsubok sa buhay. Iyon na ang kinalakihan ni Saydee at ng kanyang siyam na kapatid sa kanilang tahanan sa Liberia. Bukas palad na tinatanggap ng kanilang mga magulang ang ibang mga pamilya na nangangailangan. Sinabi ni Saydee na lumaki siya sa…