Malaking hamon para kay Alvin nang pagsamahin sila sa isang proyekto ng katrabaho niyang si Tim. Bamagat nirerespeto nila ang opinyon ng bawat isa, magkaiba talaga sila ng mga ideya at pamamaraan kaya hindi malayong magkaroon sila ng pagtatalo. Kaya bago pa man mangyari iyon, nagkasundo sila na ipahayag ito sa kanilang boss at inilagay naman sila sa magkaibang grupo. Naging maganda ang resulta ng desisyon na ito. Sa araw na iyon, natutunan ni Alvin na ang pagkakaisa ay hindi lamang sa paggawa ng mga bagay na magkakasama.
Napagtanto rin marahil ni Abraham ang katotohanang iyon nang imungkahi niya kay Lot na maghiwalay sila (Genesis 13:5-9). Iminungkahi niya iyon dahil hindi na magkakasya sa pastulan ang kanilang mga hayop. Pero ipinaalala muna ni Abraham na sila’y magkamag-anak kaya hindi sila dapat mag-away. Pagkatapos, buong pagpapakumbaba niyang binigyan ang pamangkin ng pagkakataon na unang pumili ng lupain na matitirhan bagamat siya ang mas nakatatanda (Tal. 8-9). Naging maayos ang naging paghihiwalay nina Abraham at Lot.
Dahil nilikha tayo ng Dios na may magkakaibang katangian, may pagkakataon na mas makabubuti na gumawa tayo nang magkakahiwalay para maisakatuparan ang ating layunin.
Makikita pa rin ang pagkakaisa sa mga ganitong sitwasyon. Pero lagi nawa nating alalahanin na magkakapatid tayo sa pamilya ng Dios. Magkakaiba man tayo ng paraan ng paggawa, nagkakaisa tayo sa iisang layunin.