Habang nagmamaneho si Pastor Chad Graham, napansin niya ang isang maliit na labahan na punong-puno ng mga kostumer. Nag-abot siya ng tulong sa may-ari ng labahan dahil maraming kostumer dito. Dahil sa pagtulong niyang iyon, naisipan ng mga kasama niya sa simbahan na maglaan ng isang araw bawat linggo upang matulungan at masuportahan ang may-ari ng labahan. Ipinapanalangin din nila ang mga kostumer doon.
Ang pagbabahagi ng tulong na iyon ni Pastor Chad ay sumasalamin sa Dakilang Utos ni Jesus sa Kanyang mga alagad na pagbabahagi ng magandang balita. Sinabi ni Jesus, “Ibinigay sa Akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod Ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu” (Mateo 28:18-19).
Sa tulong ng Banal na Espiritu ay maibabahagi natin ang Magandang Balita ng kaligtasan kahit sa simpleng pagtulong sa ibang tao. Ipinangako rin naman ni Jesus na hindi tayo nag-iisa at lagi natin Siyang kasama hanggang sa katapusan ng mundo (T. 20). Ipinanalangin din ni Pastor Chad ang isang kostumer na si Jeff na may sakit na kanser. Kasama niyang nanalangin para kay Jeff ang ibang kostumer doon. Isa iyon sa hindi malilimutang karanasan ni Pastor Chad bilang isang pastor.
Napakagandang aral ang mapupulot natin dito. Ibahagi natin ang magandang balita tungkol kay Jesus kahit saan man tayo magpunta.