Dali-dali kaming lumabas nang marinig namin ang tunog mula sa labas. Ang iba pa nga ay hindi na nakapagsuot ng sapin sa paa. Unang araw iyon ng tag-init kaya sabik na sabik kaming makakain ng malamig na ice cream! May mga bagay tayong ginagawa dahil sa kasiyahang maidudulot nito sa atin at hindi dahil sa kailangan natin itong gawin.
Binigyang-diin naman sa mga talinghagang mababasa sa Mateo 13:44-46 ang ipagbili ang lahat para makamit ang ibang bagay. Maaaring isipin natin na tungkol sa pagsasakripisyo ang kuwentong ito pero hindi iyon ang nais nitong iparating. Binanggit doon na dahil sa “tuwa” kaya ipinagbili ng lalaki ang lahat ng ari-arian niya upang mabili ang bukid. Ang tuwa o kagalakan ay nag-uudyok ng pagbabago.
Ninanais naman ni Jesus ang buong bahagi ng buhay natin at hindi ang isang bahagi lang. Sa mga kuwento, parehong ipinagbili ng dalawang lalaki ang lahat ng mayroon sila (Tal. 44). Ang naging resulta naman nito ay malaking pakinabang. Hindi natin maiisip na ganito ang mangyayari. Hindi ba’t bilang isang mananampalataya kailangan nating pasanin ang ating krus? Tama naman ito. Pero kung mamamatay tayo, tayo’y mabubuhay; at kapag nawalan tayo ng buhay ay matatagpuan natin ito.
Kung ipagbibili natin ang lahat, makakamtan natin ang pinakadakilang kayamanan, si Jesus! Ginagawa natin ito dahil sa kagalakang matatamo natin at ang pagsuko ng lahat ang siyang dapat nating tugon. Ang makilala si Jesus ang gantimpala.