Ilang taon na ang nakakalipas, nagcamping kami ng mga anak kong lalaki sa isang lugar na malapit sa tirahan ng mga oso. May dalang kaming pang-spray na pantaboy sa mga oso at pinanatili naming malinis ang aming lugar upang walang oso ang gagambala sa amin. Pero isang hating-gabi, sumigaw ang anak kong si Randy na nagpupumiglas na makalabas sa kanyang sleeping bag. Kinuha ko ang aking flashlight at inaasahan ko ang isang oso na dinadagit ang aking anak.

Pero isang malaking dagang bukid pala ang gustong kunin ang sumbrero ni Randy. Matapos tamaan ng liwanag mula sa flashlight, tumakbo ang daga palayo kay Randy. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, muli kaming bumalik sa aming higaan. Kaya lang, hindi na ako makatulog at iniisip na mayroon ding iba pang mandaragit maliban sa malaking dagang iyon. Siya ang diyablo.

Pagbulayan natin ang ginawang pagtukso ng diyablo sa Panginoong Jesus (Mateo 4:1-11). Sinagot ni Jesus ang diyablo sa pamamagitan ng pagbanggit ng Salita ng Dios. Sa bawat pagsagot ng Panginoong Jesus sa diyablo, ipinapaalala ni Jesus sa Kanyang sarili na alam ng Dios ang tungkol sa mga tukso iyong at hindi susuway si Jesus sa Dios Ama. Kaya naman, tumakas nalang ang diyablo.

May kakayahan man si satanas na silain tayo, alalahanin natin na tulad lamang si satanas sa daga na nilalang ng Dios. Sinabi ni Apostol Juan, “Ang Espiritung nasa [atin] ay higit na makapangyarihan kaysa kay Satanas, na naghahari ngayon sa mga maka-mundo” (1 Juan 4:4).