Pinanganak na kulang ng mga daliri o magkakadikit ang ibang daliri sa parehas na mga kamay ng choir director na si Arianne Abela. Wala rin siyang kaliwang binti at kulang rin ang mga daliri sa kanang paa niya. Dahil sa kondisyon niya, lumaki si Arianne na inuupuan ang mga kamay niya para itago ang mga ito. Mahilig sa musika at isang soprano si Arianne. Isang araw, pinakiusapan siya ng kanilang choir teacher na pangunahan ang grupo nila. Dahil dito, makikita ang mga kamay niya sa pagkumpas. Simula noon, nakahanap ng bagong karera si Arianne. Pinangungunahan niya ang mga choir sa simbahan at nagsisilbi rin siyang choir director sa unibersidad. “May nakita sa akin ang guro ko,” paliwanag ni Arianne.
Ang kwentong ito ni Arianne ang nagtutulak sa ating mga nagtitiwala sa Dios na tanungin Siya, “Ano kaya ang nakikita ng Panginoon, ang banal na Guro sa atin sa kabila ng mga kakulangan natin?” Ang sarili Niya ang higit na nakikita Niya sa atin, “nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis Niya” (Genesis 1:27).
Bilang mga kawangis ng Dios, nararapat na Siya ang nakikita ng ibang tao sa atin. Para kay Arianne, iyon ay si Jesus—hindi ang mga kamay niya at kawalan niya ng mga daliri. Sinasabi sa 2 Corinto 3:18, “At dahil naalis na ang takip sa isipan natin, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon...ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayo’y maging katulad Niya.”
Tulad ni Arianne, nararapat na mamuhay tayo ayon sa kapangyarihan ni Cristo na kawangis natin (Tal. 18), isang buhay na kalugod-lugod ang nais Niya.