Nagbukas sa pag-unlad sa larangan ng komunikasyon ang pagkakaimbento ni Johannes Gutenberg ng aparato sa pag-iimprenta noong 1450. Lumawak ang kaalaman ng mundo sa pagbasa at pagsulat dahil maraming nailimbag na mga aklat tungkol sa relihiyon at lipunan. Si Gutenberg ang gumawa ng pinakaunang nailimbag na Biblia. Bago pa man maimbento ang pag-iimprenta, maingat at matiyagang isinusulat ng mga eskriba ang mga Biblia at inaabot pa ito ng taon.

Sa loob ng maraming siglo, nakatulong ang pag-iimprenta para magkaroon at makaaabot sa atin ang Biblia. Bagama’t nauuso ngayon ang mga elektronikong bersyon ng Biblia, marami pa rin sa atin ang gumagamit ng mga personal nating Biblia. Napakahirap noon ang magkaroon ng kopya ng Biblia pero sa panahon ngayon, madali na lang ang makakuha ng Biblia.

Isang napakagandang pribilehiyo na madali na nating natutunghayan ang Salita ng Dios sa ngayon. Ayon sa manunulat ng aklat ng Kawikaan, nararapat nating pahalagahan ang Salita ng Dios, katulad ng pag-iingat sa ating mga mata (Kawikaan 7:2), at itanim sa ating isipan upang hindi natin malimutan (Tal. 3).

Katulad ng mga eskriba noon na matiyagang kumokopya ng salita ng Dios, natututo rin naman tayo sa mga katotohanang nakapaloob dito habang binubuklat ng mga daliri natin ang mga pahina nito hanggang matatak ang bawat salita ng Dios sa mga puso natin.