Month: Hulyo 2023

Hindi Mga Ulila

Ayon sa libro ni John Sowers na Fatherless Generation, sa kasalukuyang henerasyon daw, 25 milyong bata ang lumalaking walang ama sa kanilang tahanan.

Sa akin naman, bilang ulila na rin ako sa aking ama, kung sakaling makasalubong ko ang tatay ko sa kalsada ay malamang hindi ko ito makikilala. Noon kasing naghiwalay ang aking mga magulang, sinunog ang lahat ng…

Ang Mas Mahalaga

Minsan, humingi ng payo sa akin si Alan kung paano mawawala ang kaba niya sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. Tulad ng marami, bumibilis ang tibok ng dibdib niya, tuyot na ang kanyang mga labi, namumula ang kanyang mukha kapag nagsasalita na siya sa harap ng maraming tao.

Ang Glossophobia ay madalas na maranasan ng marami — mas takot pa…

Tiwala Sa Dios

Nasa kalagitnaan noon ng American Revolutionary War nang magsimulang ipadala ang puwersa laban sa mga taga-Britanya na nasa Quebec. Papuntang Canada ang mga sundalo nang mapadaan sila sa Newburyport, Massachusetts. Dito nakalibing ang isang kilalang mangangaral ng Biblia na si George Whitefield.

Binuksan nila ang kabaong nito at kinuha ang kanyang damit upang pag-pira-pirasohin. Naniniwala kasi ang mga sundalo na mananalo…

Paglilinis

Dalawang beses na inawit ng dalawang bata ang kantang Happy Birthday habang naghuhugas ng kamay. Ganoon daw kasi katagal bago mawala ang mga dumi sa kanilang mga kamay, ayon sa kanilang ina. Kaya naman bago pa man ang pandemya, natutunan na nilang hindi magmadali sa paglilinis ng kanilang kamay.

Itinuro sa atin ng pandemya ang masusing proseso ng paglilinis ng mga…

Hindi Nagmamadali

Minsan, ikinuwento ni Alice Kaholusuna kung paano manalangin ang mga taga-Hawaii. Maghahanda muna sila nang matagal bago pumasok sa kanilang templo upang manalangin. At kapag sila’y nanalangin, gumagapang sila papunta sa altar. Paglabas naman sa templo, matagal din silang uupo upang ‘bigyang-buhay’ ang panalangin.

Kabaligtaran naman nito ang paraan ng pananalangin ng Misyonero na nagpunta sa kanilang isla. Nakatayo itong…