Month: Oktubre 2023

Pagtutulungan

Kalaro ng basketbol ang mga kaibigang babae nang naisip ni Amber na makikinabang ang kanilang pamayanan kung mayroong liga ng basketbol na pambabae. Kaya itinatag niya ang ‘Ladies Who Hoop,’ isang organisasyong nagnanais mapaunlad ang pagtutulungan at maging pakinabang rin sa susunod na henerasyon.

Layon nila na tulungan ang mga kababaihan, bata man o hindi, na magkaroon ng tiwala sa sarili…

Kasama Natin Sa Libis

Tiyahin si Hannah Wilberforce ni William Wilberforce (isang taga Britanya na nagsulong noon na wakasan na ang ‘slavery’ o pang-aalipin sa Britanya). Nang malapit nang pumanaw si tiya Hannah, sumulat ito ng liham kung saan nabanggit niya na narinig niya ang pagpanaw ng isa sa kapatid sa Panginoon.

Sinabi niya, “Masaya ang taong yumao at nagtungo na sa langit. Kapiling na…

Saan Man Sumamba

Nakakalungkot. Hindi na naman ako nakapagsimba sa simbahan namin dahil sa matinding sakit ng ulo at iba pang sakit ng katawan. Nanood na lang ako ng pangangaral na nasa ‘internet’ pero sa simula, mabigat ito sa loob ko. Idagdag pa na masakit kasi sa mata at tainga ang pinanonood kong ‘video’. Pero nang inawit ang isang pamilyar na kanta, naiyak na…

Ang Paghina sa Pagtanda

Nagsimula sa pangangati ng lalamunan. Nauwi sa trangkaso. Pero simula pa lang pala ito ng ‘bronchial affliction’ (paghihirap sa daanan ng hangin sa baga). Ang trangkaso naging ‘whooping cough’ (ubong tuyo) at kinalaunan naging pulmonya.

Walong linggong pag-ubo na parang binabasag ang dibdib natauhan ako. Kahit hindi ko pa itinuturing ang sarili ko na matanda na, pero alam kong doon na ako patungo:…

Ano’ng Iyong Pangalan?

May nagsabi na sa buhay, mayroon daw tayong tatlong pangalan: pangalang bigay ng mga magulang natin, bigay sa atin ng ibang tao (reputasyon), at bigay natin sa ating sarili (karakter). Mahalaga ang mga pangalang bigay ng ibang tao: “Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan, kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan” (Mga Kawikaan 22:1 MBB). Ngunit kahit mahalaga ang…