Napagbuksan ni Elvis Summers ng pinto si Smokey, iyong payat na babaeng laging nanghihingi ng mga walang lamang lata para maibenta . Iyon ang pangunahing pinagkakakitaan ng babae . Biglang may naisip si Elvis . “Puwede mo bang ipakita sa akin kung saan ka natutulog?” tanong niya . Sinama siya ni Smokey sa isang makitid na pasilyong puno ng alikabok, mga isang metro lang ang lapad .
Naawa si Elvis kaya pinagtayo niya ng maliit na bahay ang babae—isang simpleng tirahan para makatulog ito nang ligtas . Tapos, nakipagtulungan siya sa mga lokal na simbahan para magkaroon ng lupang pagtatayuan ng mga tirahan para sa mga walang bahay .
Sa buong Biblia, pinaalalahanan ang bayan ng Dios na pangalagaan ang mga nangangailangan . Noong kausapin ng Dios si Moises para ihanda ang mga Israelita sa pagpasok nila sa lupang pangako, inudyukan Niya sila na “maging mapagbigay at pautangin ninyo siya ng kanyang mga pangangailangan” (Deuteronomio 15:8) . Sinabi din dito na “Hindi maiiwasan na may mahihirap sa inyong bayan” (Tal. 11) . Kung paanong inutusan ng Dios ang mga Israelita na “maging lubos na mapagbigay sa kanila” (Tal. 11), tayo man ay makakahanap din ng paraan para makatulong sa mga nangangailangan .
Lahat ay nangangailangan ng pagkain, tirahan, at tubig . Kahit hindi tayo mayaman, sana ay gabayan tayo ng Dios para magamit natin ang kung anumang mayroon tayo para makatulong sa iba . Kahit tinapay o makapal na jacket lang, malaki ang magagawang pagbabago ng maliliit na bagay!