Galit si Beethoven. Balak niya kasi sanang tawagin ang Third Symphony niya na “The Bonaparte.” Noong panahon ng paniniil, nakita niya si Napoleon bilang bayani at tagapagtanggol ng kalayaan. Pero noong ideklara ng heneral ang sarili bilang emperador, nagbago ang isip ni Beethoven. Tinawag niyang masama at diktador ang dati niyang bayani, at pinilit niyang alisin ang pangalan ni Bonaparte sa komposisyon niya.

Siguro nabigo rin ang mga unang mananampalataya ni Jesus noong nasira ang pag-asa nila para sa isang politikal na pagbabago. Nagbigay si Jesus ng pag-asa nang walang halong pangdidikta, di gaya ni Caesar. Pero matapos ang ilang dekada, mga Romano pa rin ang nagpapalakad sa mundo . Naiwan sa mga mensahero ni Jesus ang takot at kahinaan. Namarkahan ang mga disipulo ng immaturity at pag-aaway-away (1 Corinto 1:11-12; 3:1-3).

Pero may isang pagkakaiba. Nakita ni Apostol Pablo kung ano ang hindi nagbabago. Nagsimula ang mga sulat niya, nagtapos, at nag-uumapaw ito sa pangalan ni Cristo. Nabuhay muli si Cristo. Nangako si Cristo na babalik. Si Cristo sa paghatol sa lahat ng bagay at tao. Unang-una, gusto ni Pablo na magbase ang mga mananam- palataya sa kahulugan at epekto ng muling pagkabuhay ni Jesus (2:2; 13:1-13).

Iyong pag-ibig na ipinahayag ni Jesus sa sakripisyo Niya, iyon ang dahilan kaya ibang klase Siyang pinuno. Bilang Panginoon at Tagapagligtas, binago ng Kanyang krus ang lahat. Makikilala ang pangalan ni Jesus habang buhay at pupurihin ito nang higit kaysa sa lahat ng pangalan.