Gusto nang umalis ni James sa trabaho niya na nakaka-stress, mahaba ang oras, at may di-makatuwirang boss. Pero may mga bayarin siya, asawa, at isang batang anak na kailangang alagaan. Natutukso na siyang mag-resign pero pinaalalahanan siya ng asawa niya: “Maghintay lang tayo at tingnan natin kung ano’ng ibibigay sa atin ng Dios.”
Matapos ang ilang buwan, sinagot ang dasal nila. Nakahanap si James ng bagong trabaho na gusto niya at marami pa siyang oras para makasama ang pamilya niya. “Mahaba ang mga buwang iyon,” sabi niya sa akin, “pero buti na lang, hinintay ko na mangyari ang plano ng Dios nang-ayon sa Kanyang panahon.”
Mahirap maghintay ng tulong ng Dios sa gitna ng problema; nakakatuksong gumawa ng sarili mong solusyon. Ginawa iyon ng mga Israelita: noong may kalaban sila, humingi sila ng tulong sa Egipto sa halip na sa Dios (Isaias 30:2). Pero sinabi sa kanila ng Dios na kung magsisisi sila at magtitiwala sa Kanya, makakasumpong sila ng lakas at kaligtasan (Tal. 15). Sabi pa, “nakahanda Siyang ipadama sa inyo ang Kanyang pagmamalasakit” (Tal. 18).
Kailangan ng pananampalataya at pasensya sa paghihintay sa Dios. Pero kapag nakita na natin ang sagot Niya sa dulo ng lahat ng iyon, malalaman natin na sulit ang lahat: “Mapalad ang nagtitiwala sa Kanya!” (Tal. 18). At ang mas nakakamangha pa? Hinihintay tayo ng Dios na lumapit sa Kanya!