Walang nakahula na ang labing-anim na taong gulang na skateboarder mula sa Brazil na si Felipe Gustavo ay magiging isa sa pinakamagagaling na skateboarder sa mundo. Naniwala ang tatay niya na kailangan niyang tuparin ang pangarap niya, pero wala silang pera. Kaya binenta ng kanyang ama ang kotse nila at dinala ang anak sa sikat na paligsahan sa skating sa Tampa Am sa Florida. Wala pang nakakakilala kay Gustavo noon ... hanggang sa nanalo siya. At nagsimula ang maganda niyang career sa pagkapanalo niya doon.

May kakayanan ang tatay ni Gustavo na makita ang puso at hilig ng anak niya.

Inilarawan ng Kawikaan na may pagkakataon ang mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak para malaman ang natatanging paraan ng Dios para sanayin ang puso, lakas, at personalidad nila—at hikayatin sila pagkatapos, patungo sa daan na naaayon sa pagkalikha sa kanila ng Dios. “Ituro sa bata ang tamang pag- uugali,” sabi doon, “at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda” (Tal. 22:6).

Maaaring wala tayong malaking pagkukunan o malalim na karunungan. Pero sa karunungan ng Dios (Tal. 17-21) at sa pag- ibig natin, puwede nating ialok ang isang napakalaking regalo sa mga anak natin at sa ibang bata. Puwede natin silang tulungang magtiwala sa Dios at pagkatapos niyon, malalaman nila ang tamang landas sa buhay (3:5-6).