Maliliit Na Kabutihan
Nagtatrabaho si Amanda bilang bumibisitang nurse na umiikot sa ilang tahanan ng pag-aaruga. Madalas niyang isama si Ruby, ang anak niyang labing-isang taong gulang. Para may magawa, nagsimulang magtanong si Ruby sa mga residente, “Kung puwede kang magkaroon ng kahit anong tatlong bagay, ano ang gusto mo?”
Sinusulat niya sa kwaderno niya ang mga sagot nila. Nakakagulat na maliliit na bagay…
Parehong Totoo
Muling nakasama ni Feng Lulu ang tunay niyang pamilya matapos ang tatlong dekada. Batang-bata pa lang siya noong dinukot siya habang naglalaro sa labas ng bahay nila. Nahanap siya sa tulong ng grupong All China Women’s Federation. Hindi natandaan ni Feng Lulu ang masamang pangyayari at lumaki siyang iniisip na ipinagbili siya dahil hindi kaya ng mga magulang na kupkupin…
Ang Pinagmulan
May pumapatay ng libu-libong tao sa London noong 1854. Ang akala – baka dahil sa masamang hangin. Tila niluluto ng hindi napapanahong init ang mala-imburnal na Ilog Thames at matinding pasakit sa ilong ang amoy. Tinawag itong “Ang Matinding Alingasaw.” Pero may mas malala pa pala. Natuklasan sa pananaliksik ni Dr. John Snow na ang kontaminadong tubig ang dahilan ng…
Pamana Ng Pagkakaibigan
Noong dekada sitenta, guro ako ng wikang Ingles at coach ng koponan ng basketbol sa hayskul nang nakilala ko ang payat at matangkad na mag-aaral sa unang baytang sa hayskul namin. Naging estudyante ko siya at naging kasapi rin siya ng koponan. Iyon ang simula ng pagkakaibigan namin. Kinalaunan nakatulong ko siya bilang kapwa patnugot. Sa pagdiriwang ng pagreretiro ko, tumayo…
Matalino O Mangmang?
Noong sampung taong gulang ako, nag-uwi ako ng cassette tape na may kanta ng isang bandang Cristiano mula sa kaibigan ko sa grupo ng kabataan sa simbahan. Hindi ito nagustuhan ng tatay kong lumaki sa tahanang Hindu ang paniniwala pero tinanggap na niya ang kaligtasan mula kay Jesus. Mga nakasanayang awit ng papuri sa Dios lang ang gusto niyang pinapatugtog sa…