Month: Hulyo 2025

TAIMTIM NA DALANGIN

Pinangunahan ng pastor na si Christian Führer ang isang pagtitipon para sa pananalangin sa St. Nicholas Church. Sa loob ng ilang taon, kakaunti lamang ang dumadalo para ipanalangin ang pagwawakas ng kalupitan sa bansang Germany. Lumipas ang maraming taon, napakarami nang mga tao ang dumadalo para manalangin. Noong Oktubre 9, 1989, pitumpong libong mga tao ang nagsama-sama para tahimik na…

GAWIN LAHAT PARA SA DIOS

Naglalaman ng iba’t ibang magagandang panalangin para sa mga gawain sa araw-araw ang aklat na Every Moment Holy. May mga dalangin para sa pagluluto, paglalaba, at iba pang maituturing na mga ordinaryong gawain. Pinaaalala ng aklat na ito ang sinabi ng manunulat na si G. K. Chesterton: “Mabuti ang manalangin bago kumain. Pero nananalangin din ako bago ako gumuhit, lumangoy,…

MAGING MASIKAP

May malalim na layunin si William Pinkney nang maglayag siya para lakbayin ang buong mundo noong 1992. Nais niyang turuan at bigyang halimbawa ang mga bata upang maging masikap at matatag. Nais ni Pinkney na mamulat ang mga bata na may mabuting bunga ang pagsisikap at pag-aaral nang mabuti. Pinangalanan niya ang bangka niya ng Commitment. Layunin niyang matutunan ng…

MAY PAGKAKASALA

May nagawa kaming kasalanan ng kaibigan ko. Natuklasan ito ng aming prinsipal. Kilala ng prinsipal ang mga tatay namin. Sinabi niyang lubos na malulungkot ang mga tatay namin sa aming pagkakasala. Hiyang-hiya kami sa aming maling nagawa.

Sa pamamagitan ni Propeta Zefanias, pinaalala rin naman ng Dios sa mga taga-Juda na umamin at humingi sila ng tawad sa mga pagkakasala…

LINISIN MO AKO!

"Linisin mo ako!” Hindi ito nakasulat sa sasakyan ko. Pero dahil puno na ito ng dumi at alikabok, agad akong pumunta sa palinisan ng sasakyan. Mahaba ang pila ng mga nais magpalinis. Matagal din ang paghihintay para matapos malinisan ang sasakyan. Pero sulit naman ang paghihintay! Maliban sa nalinisan ang sasakyan ko, libre pa ang serbisyong ginawa nila.

Nilinis din…