Unang beses pa lang magsasalamin ang tatlong taong gulang na si Andreas. Kaya naman nang ipasukat sa kanya ng doktor ang bagong pares ng salamin, laking tuwa niya. Nakakakita na siya! May ngiti sa mga labi at luha sa mga mata, niyakap niya ang kanyang ama, sabay sabing, “Tatay, nakikita na kita!”

Marahil nasasabi rin natin ito sa tuwing nagbabasa tayo ng Biblia. Dahil sa tulong ng Banal na Espiritu, nakikita natin sa bawat pahina ng Biblia si Cristo, ang “larawan ng di-nakikitang Dios” (COLOSAS 1:15). Gayunpaman, sa kabila ng pagpupursigi nating makilala Siya sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kanyang Salita, hindi pa rin natin lubusang makikilala ang Dios. Dahil makikita lang natin ang kabuuan ng Kanyang kagandahan sa pag-uwi natin sapiling Niya, o sa Kanyang pagbabalik dito sa lupa. (1 CORINTO 13:12).

At kapag nasa harapan na tayo ni Cristo, hindi natin kakailanganin ang anumang uri ng salamin upang masilayan ang Kanyang kariktan. Makikilala natin Siya nang lubusan, tulad ng pagkakakilala Niya sa atin—ang Kanyang simbahan. At habang hinihintay natin ang pagkakataong ito, patatatagin ng Banal na Espiritu ang ating pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig upang manatili tayong nagtitiwala sa Panginoong Jesus hanggang dulo. Hanggang sa tumayo na tayo sa harapan ng ating Tagapagligtas at masabi na nating, “Nakikita na Kita, Jesus. Nakikita na Kita!”