Month: Nobyembre 2025

PAGTITIWALA SA DIOS

Lumalala na ang pakiramdam ng nanay at pamangkin ko. Kailangang kailangan ko ang mga gamot para sa allergy ni nanay at eksema ng pamangkin ko. Pero wala nang mga gamot sa botika. Wala akong magawa. Paulit-ulit kong dasal, Panginoon, tulungan Mo po sila.

Lumipas ang ilang linggo, bumuti-buti na ang pakiramdam nila. Tila ba sinasabi ng Dios: “Minsan gamot ang gamit…

BULONG LANG

Kakaiba ang whispering wall sa Grand Central Station sa lungsod ng New York. Kapag tumayo ka sa paanan ng arko at bumulong sa pader, maglalakbay ang tunog pataas, papunta sa kabilang panig ng arko. Kahit bumulong ka lang, maririnig ka ng kausap mo sa layo na tatlumpung talampakan. Isa itong kanlungan sa gitna ng maingay at magulong lugar.

Tila bulong rin…

BUNUTIN ANG TINIK NG IBA

Para kay Catherine of Sienna, tulad ng salubsob ang mga pasakit sa buhay. “May tinik na pumasok sa paa mo kaya ka umiiyak sa gabi.” Dagdag niya, “Pero may ilan na kayang bumunot ng tinik. Sa Dios sila natuto.” Isa si Catherine sa natuto ng ganoong kakayahan. Hanggang ngayon, kinikilala siya dahil sa habag at pagdamay niya sa mga dumaranas…

DI INAASAHANG PAGPAPALA

Noong 2016, nag-text si Wanda Dench sa kanyang apo ng paanyaya para sa hapunan sa pagdiriwang ng Thanksgiving. Pero iba na pala ang numero ng apo niya. Napunta tuloy ang mensahe sa isang estranghero, si Jamal. Sinagot ni Jamal ang text, nagpakilala, at nagtanong kung puwede pa rin siyang pumunta. “Siyempre naman,” tugon ni Wanda. Pumunta nga si Jamal at…

SINO BA AKO?

Isa ako sa mga namumuno sa gawain namin. Bahagi ng tungkulin ko ang mag-anyaya ng iba para maging lider ng mga pang- grupong talakayan. Iniisa-isa ko sa kanila ang oras na gugugulin nila at ang mga paraan para sa pakikisalamuha at pag-aalaga sa mga miyembro. Madalas, nahihiya ako sa kanila dahil alam ko ang sakripisyong kailangan para maglingkod bilang lider.…