Pagkalabas namin ng elevator, wala kaming makita ni isang tao na magtuturo sa amin papunta sa mga pintuan palabas—at sa nakakasilaw na liwanag ng araw sa Colorado. Habang naglalakad kami sa mga kalahating-liwanag ng pasilyo, sa wakas nakatagpo kami ng isang lalaking napansin ang aming kalituhan. “Parang magkakapareho ang mga pasilyong ito,” sabi niya, “pero naroon ang labasan.” Sa kanyang mga direksyon, natagpuan namin ang mga pintuan—at ang daan patungo sa maliwanag na araw.

Inaanyayahan ni Jesus ang mga hindi pa nagtitiwala sa Kanya—na mga naliligaw at naguguluhan—na sumunod sa Kanya palabas sa kanilang espirituwal na kadiliman. “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay” (JUAN 8:12). Sa Kanyang liwanag, nakikita natin ang mga bagay na dahilan upang madapa tayo—mga kasalanan o mga bagay na hindi natin napapansin. Ginagabayan Niya rin tayo at inaalis ang dilim sa ating puso at landas. Gaya ng haliging apoy na gumabay sa mga Israelita sa ilang, nagdadala sa atin ng presensya, proteksyon, at patnubay ng Dios ang liwanag ni Cristo.

Gaya ng ipinaliwanag ni Juan, si Jesus ang “tunay na ilaw” (1:9) at “hindi ito nadaig ng kadiliman” (TAL. 5). Sa halip na magpagala- gala sa buhay, maaari tayong lumapit sa Kanya para sa gabay habang tinatanglawan Niya ang ating daan.