“Kapag nakita mo ang bitiuing iyon, makikita mo palagi ang iyong daan pauwi." Iyon ang mga salita ni Tatay nang nang tinuruan niya ako kung paano matagpuan North Star. Naglingkod si Tatay sa sandatahang lakas noong panahon ng giyera, at may mga sandaling nakadepende ang kanyang buhay sa kakayahang maglayag sa gabi. Kaya tiniyak niyang alam ko ang mga pangalan at lugar ng mga konstelasyon. Pero pinakamahalaga sa lahat ang paghanap sa North Star, para malaman ko ang aking direksiyon kahit nasaan ako.

Sa Biblia, may ibang bituin na mas mahalaga. Naghahanap noon ng tanda sa kalangitan ang mga pantas mula sa silangan (isang lugar na nasa palibot ng Iran at Iraq ngayon) para sa pagsilang ng Siyang magiging hari sa bayan ng Dios. Dumating sila sa Jerusalem na nagtatanong “Saan ba ipinanganak ang hari ng mga Judio? Nakita namin ang kanyang bituin sa silangan, at naparito kami upang sambahin siya” (MATEO 2:1-2).

Hindi alam ng mga astronomo kung ano ang dahilan kung bakit lumitaw ang bituin ng Betlehem. Ngunit ipinahayag ng Biblia na ang Dios ang gumawa nito para ituro ang mundo kay Jesus – “ang maningning na bituin sa umaga” (PAHAYAG 22:16). Dumating si Cristo upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan at gabayan tayo pabalik sa Dios. Sundan mo Siya at mahahanap mo ang iyong daan pauwi.