Noong Nobyembre 1962, sinabi ng physicist na si John W. Mauchly, “Walang dahilan upang ipagpalagay na ang karaniwang batang lalaki o babae ay hindi maaaring maging mahusay sa isang personal computer.” Tila pambihira ang hula ni Mauchly sa panahong iyon, ngunit tama Siya. Ngayon, isa sa mga pinakaunang kasanayang natututunan ng isang bata ang paggamit ng kyomputer o cellphone.

Kung natupad ang hula ni Mauchly, gayundin ang iba pang mas mahahalagang mga hula – iyong mga inihula sa Kasulatan tungkol sa pagdating ng Cristo. Halimbawa ay sa Micas 5:2, “Betlehem Efrata, kahit na isa ka sa pinakamaliit na bayan sa Juda, manggagaling sa iyo ang taong maglilingkod sa akin bilang pinuno ng Israel. Ang kanyang mga ninuno ay kilalang-kilala noong unang panahon.” Isinugo ng Dios si Jesus, na dumating sa maliit na bayan ng Betlehem—at napabilang siya sa maharlikang angkan ni David (LUCAS 2:4-7). Kung paanong inihula ng Biblia ang pagdating ni Jesus, mababasa rin natin dito ang pangako ng Kanyang pagbabalik (GAWA 1:11). Ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga unang alagad na magbabalik Siya para sa kanila (JUAN 14:1-4).

Ngayong Pasko, habang ating binubulay-bulay ang mga natupad na hula tungkol sa pagsilang ni Jesus, alalahanin din natin ang ipinangako Niyang pagbabalik, at hayaan natin Siyang ihanda tayo sa marilag na sandaling makikita natin Siya nang mukhaan!