Dahil sa pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip, umalis ang tatay ni Philip sa kanilang bahay at nagpalaboy sa lansangan. Matapos ang isang araw na paghahanap, pinarating ni Philip sa kanyang inang si Cyndi ang kanyang pag-aalala para sa kanyang ama at iba pang mga nakatira sa lansangan. Bunga ng pangyayaring ito, nagsimula silang mangolekta at mamigay ng mga kumot at iba pang kasuotang panlamig para sa mga nakatira sa lansangan. Ngayon, mahigit sampung taon na itong patuloy na ginagawa ni Cyndi.
Noon pa man, tinuturuan tayo ng Biblia upang tumugon sa pangangailangan ng iba. Sa Aklat ng Exodus, nagtala si Moises ng mga gabay kung paano makitungo sa mga kapos sa buhay. Sa tuwing magbibigay tayo, hindi natin marapat na isiping pagkakitaan sila (EXODUS 22:25). Kapag may nagsanla sa inyo ng balabal, “isauli mo ito sa kanya bago lumubog ang araw. Sapagkat ito lang ang pangtakip niya sa kanyang katawan kapag natutulog siya sa gabi” (TAL. 26-27).
Hilingin natin sa Dios na buksan ang ating mata at puso upang makita kung paano natin mapapagaan ang paghihirap ng iba. Gaya man ito ng ginawa nina Cyndi at Philip na pagtulong sa marami, o kahit para sa iisang tao lang, makalulugod ito sa Dios kapag ginawa natin nang may paggalang at pagmamahal.
