Nag-alala ang labindalawang taong gulang na si LeeAdianez Rodriguez-Espada na baka mahuli siya sa 5K maraton na kanyang sinalihan. Sa sobra niyang pagkabalisa, nag-umpisa siyang tumakbo nang labinlimang minutong mas maaga sa iba. Hindi niya alam, napasama pala siya sa grupong tatakbo ng 20 kilometro. Nang makatakbo na siya ng 5 kilometro at hindi niya pa rin nakikita ang dulo, napagtanto niyang aksidente siyang napasama sa mas mahabang takbuhan. Imbes na huminto, nagpatuloy siya at nakatapos bilang ika-1,885 sa 2,111 na mga nakatapos. Isang halimbawa ng pagtitiyaga!

Noong panahon ng pag-uusig sa mga unang tagasunod ni Jesus, marami ang gusto nang huminto sa kanilang takbuhin, ngunit pinalakas ni Santiago ang kanilang mga loob upang magpatuloy pa rin. Kung magpapakatatag sila hanggang wakas, magkakamit sila ng dobleng gantimpala (SANTIAGO 1:4, 12). Una, ang maging ganap at walang pagkukulang (TAL. 4). Pangalawa, bibigyan sila ng Dios ng “gantimpala ng buhay”–ang makasama ang Panginoon sa buhay na ito at sa walang hanggan (TAL. 12).

Kung minsan, tila mas mahaba at mas mahirap sa inaasahan ang maraton ng buhay. Ngunit habang ibinibigay ng Dios ang ating mga kakailanganin, makakapagtiyaga tayo at patuloy na makakatakbo.