Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

MAHALIN ANG KAAWAY

Araw-araw tinitiis ni Dan ang pambubugbog sa kanya ng guwardiya sa bilangguan. Bilang nagtitiwala kay Cristo, naisip ni Dan na kailangan niyang pakitaan ng pag-ibig ang guwardiyang ito. Kaya minsan, bago siya bugbugin ng guwardiya, sinabi niya, “Sir, araw-araw ko po kayong makikita sa pananatili ko rito sa bilangguan. Maaari ba tayong maging magkaibigan?” Pero ang sagot ng guwardiya, “Hindi…

NAIS NG PUSO

Noong 1700, may ilang taong naghukay sa Oak Island sa bansang Canada. Inakala kasi nilang may kayamanang nakatago roon. Pero wala naman silang nakita. Sa paglipas ng panahon, maraming tao rin ang naghukay roon sa pag-asang makakakita sila ng kayamanan. Sa ngayon, nasa halos tatlumpung metro na ang lalim ng nahukay sa lugar na iyon.

Ipinapakita ng kuwentong ito ang…

MULA SA PAKIKINIG

Nang maaksidente si Pastor Bob, naapektuhan ang kanyang boses at nahirapan na siyang magsalita. Labinlimang taon siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan. Nagtanong siya sa Dios kung bakit siya dumanas ng ganito. Ano nga ba ang magagawa ng isang pastor na hindi makapagsalita? Pero naisip niya, “Isang bagay lamang ang magagawa ko–ang magbasa ng Salita ng Dios.” Lalong lumalim ang pag-ibig…

BINAGO NIYA TAYO

Napansin ni Shawn Seipler na maraming nasasayang na mga sabon sa mga hotel. Kaya naisip niyang ilunsad ang organisasyong Clean the World na gumagawa ng bagong sabon mula sa nagamit nang sabon sa mga hotel, barko, at pasyalan. Marami na ang natulungan ng organisasyong ito. Nakapagbigay rin sila ng mga sabon sa higit isandaang bansa para mapanatili ang kalinisan ng katawan…

KAPANGYARIHAN NG DIOS

Noong Agosto 2021, hinagupit ng bagyong Ida ang lugar ng Louisiana sa Amerika. Ilang oras na umapaw ang Mississippi River dahil sa lakas ng hangin at alon.

Tinataya ng mga eksperto na ang lakas ng isang bagyo ay maaaring maging katumbas ng lakas ng sampung libong bombang nukleyar. Naalala ko tuloy ang naging tugon ng mga Israelita sa lakas at…

ALALAHANIN ANG SAKRIPISYO

Minsan, niyaya ako ng aking kaibigan na kumain sa isang kainan. Nang dumating kami roon, napansin namin ang ilang mga bagong kasal na papunta sa Tomb of the Unknown Soldier. Isa itong monumento para alalahanin ang mga sundalong nagsakripisyo noong Unang Digmaang Pandaigdig pero ang mga labi ay hindi nakilala. Nag-alay ng mga bulaklak ang mga bagong kasal habang inaalala…

BAWAT HAKBANG

Naghanda ang maraming manlalaro para sa isang paligsahan. Bawat grupo sa larong ito ay binubuo ng tatlong taong magkakatali ang mga paa. Dapat silang maglakad nang sabay-sabay hanggang matapos ang karera. Marami ang natumba at nahirapan para sabay-sabay na makapaglakad. Sumuko naman ang iba sa paglalaro. May isang grupo namang naging mabagal sa simula pero pinag-usapan ang kanilang plano. Nahirapan…

TUNAY NA RELIHIYON

Noong nasa kolehiyo ako, isang kaklase ko ang biglaang pumanaw. Hindi namin inaasahan ang pagpanaw niya dahil ilang araw bago mangyari ito, nasa maayos naman siyang kalagayan. Batang-bata pa kami noon at nagsisimula pa lamang buuin ang aming mga pangarap. Kakasali pa lang din namin noon sa isang samahan kung saan kapatid ang turing sa bawat isa.

Pero ang hindi…

PINALAYA NA

Ang Juneteenth ay isang selebrasyon sa Amerika tuwing Hunyo 19. Mula ito sa pinagsamang salitang June at nineteenth. Ipinagdiriwang sa araw na ito ang paglaya ng mga alipin noong 1865 na nilagdaan at pinagtibay ni Pangulong Abraham Lincoln. Pero sa estado ng Texas, huli na nang malaman nila ang pagdiriwang na ito. Kaya namuhay pa sila ng higit dalawang taon sa pagkaalipin…

KALINGA NG AMA

Marami akong masasayang alaala kasama ang aking tatay. Isa na rito ang pag-aayos namin ng mga gamit sa garahe tuwing Sabado ng umaga. Hindi ko malilimutan nang ayusin namin ang aking laruang sasakyan. Nang magawa namin ito, binabantayan ako palagi ni tatay habang pinapatakbo ko ito. Masasabi kong isang mabuting magulang ang aking tatay.

Makikita rin naman natin sa Biblia…