KAYANG-KAYANG MAGTAGUMPAY
Minsan, nagdiwang ang koponan ng baseball na Little League kung saan kabilang ang aking anak at isa sa Coach ang aking asawa. Ginawa ng aking asawa ang pagdiriwang upang purihin ang mga bata sa mahusay nilang paglalaro sa buong taon. Isa sa mga pinakabatang manlalaro doon ay si Dustin. Lumapit siya sa akin at nagtanong, “Hindi po ba natalo tayo sa laro natin…
SINO KAYO, PANGINOON?
Nakulong si Luis Rodriguez sa edad na labing-anim dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Nang makalaya siya, muli na naman siyang inaresto at nakulong sa salang pagpatay. Pinatawan siya ng habang buhay na pagkabilanggo. Gayon pa man, kumilos ang Dios sa buhay ni Luis. Naalala ni Luis ang panahong isinasama siya ng kanyang ina sa pagtitipon ng mga nagtitiwala…
BAGONG PAKIKIPAGSAPALARAN
Kamakailan, mayroon akong nakamamanghang nadiskubre. May sinundan kasi akong maputik na daan sa isang kakahuyang malapit sa aming bahay. Natagpuan ko roon ang isang palaruan. May hagdanan itong gawa sa mga tuyong sanga. Mayroon ding duyan doon. Gawa sa lumang kahoy ang upuan nito at nakatali ang lubid sa sanga ng puno. Nakamamangha ang pagkakalikha sa palaruang iyon. Nakagawa ng…
KUMPORTABLENG TIRAHAN
May isang uri ng ibon na mahilig maghukay sa tabing ilog upang gumawa ng kanilang pugad. Kilala ang ibong ito sa tawag na sand martin. Dahil sa patuloy na pag-unlad sa Southeast England, kakaunti na lang ang lugar kung saan maaaring magpugad ang mga sand martin. Kaya naman, gumawa ang ilang mga grupong nangangalaga sa kalikasan ng isang lugar kung…
BAGONG PANINGIN
Minsan, isinuot ko ang bago kong salamin sa mata nang pumunta ako sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus. Nang makaupo na ako, nakita ko ang aking kaibigang nakaupo sa kabilang dulo. Kumaway ako sa kanya at kitang-kita ko siya nang malinaw. Parang napakalapit niya sa akin. Pagkatapos ng pagtitipon, napansin kong iyon naman pala ang lagi niyang inuupuan. Sadyang…
MISYON KONG ILIGTAS KA
Minsan, may iniligtas na tupa ang mga animal rescuer sa bansang Australia. Siya si Baarack. Nanghihina si Baarack dahil sa mabigat na balahibo nitong humigit sa 35 kilo. Ayon sa mga nagligtas kay Baarack, maaaring limang taon na itong nawawala at nakalimutan na ng may-ari nito. Pinagupitan nila ang tupa upang mawala ang nagpapabigat sa kanya. Pagkatapos, kumain si Baarack at…
PILIING MAGALAK
Malungkot na naglalakad sa mahabang pasilyo si Keith. Makikita ang panginginig ng kanyang mga kamay, senyales na mayroon siyang sakit na tinatawag na Parkinson’s Disease. Iniisip niya kung ano na ang mangyayari sa kanya, at kung ano ang sasabihin ng kanyang asawa at mga anak. Pero binasag ng malakas na tawanan ang pagmumuni-muni niya. Mula kasi sa kinatatayuan ni Keith,…
NAGSIMULA SA MALIIT
Maituturing na ikawalo sa pinakamagagandang tanawin sa mundo ang tulay ng Brooklyn sa bansang Amerika nang matapos ito noong 1883. Pero para maisakatuparan iyon, kailangang maikabit ang isang lubid na yari sa bakal sa magkabilang dulo ng tulay para mapatibay ito. Nagsimula sa isang maliit na lubid hanggang humigit na sa limang libong lubid na yari sa bakal ang naikabit…
PAGTATAPOS NANG MALAKAS
Lumahok bilang pinakamatandang babaeng atletang Indiano si Man Kaur sa edad na 103 noong 2019 World Masters Athletic Championship sa Poland at nanalo ng gintong medalya sa apat na paligsahan (pagbato ng sibat, shot put, 60- at 200-metrong takbuhan). Ang pinakanakakahanga: mas mabilis ang pagtakbo niya kaysa sa kampeonato noong 2017. Isang lola sa tuhod na tumatakbo tungo na sa ikalawang…
BIYAYA SA GITNA NG KAGULUHAN
Pahimbing na sana ako sa biglaang pag-idlip nang biglang tumugtog ng gitarang dekuryente ang anak kong lalaki sa ibaba ng bahay namin. Ramdam ang dagundong sa pader. Walang katahimikan. Walang tulog. Saglit lang ang nakalipas may kalaban na ang ingay ng gitara: ang anak kong babae nagpapatugtog ng Amazing Grace sa piano.
Karaniwang natutuwa ako ‘pag naggigitara ang anak ko. Pero…