Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

MAPAGTAGUMPAYAN

Lumaki si Anne sa hirap at sakit. Sa edad na lima, isang sakit sa mata ang nagdulot sa kanya ng bahagyang pagkabulag. Kaya hindi siya natutong magbasa o magsulat. Nang walong taong gulang siya, namatay ang kanyang ina sa sakit na tuberculosis. Di nagtagal, iniwan silang magkakapatid ng abusado nilang ama. Ipinadala ang bunso sa mga kamag-anak. Pero si Anne…

SUMANDAL SA DIOS

Habang nasa isang water park kasama ang ilang kaibigan, sinubukan naming maglaro sa mga rampa at tulay na gawa sa inflatable balloons na nakalutang sa tubig. Halos imposibleng maglakad nang tuwid. Napapasigaw kami kapag nahuhulog kami sa tubig. Sobrang nakakapagod ang aming ginawa. Kaya naman sumandal sa isang poste na gawa sa lobo ang kaibigan ko para makapagpahinga. Kaya lang natumba ito…

HIGIT PA SA SAPAT

Mahigpit ang budget ni Ellen, kaya natuwa siyang makatanggap ng Christmas bonus. Sapat na iyon. Ngunit nang ideposito niya ang pera, nakatanggap siya ng isa pang sorpresa. Sinabi ng teller na bilang pamaskong regalo, nagdeposito ang bangko ng pambayad niya sa mortgage para sa buwan ng Enero. Ngayon, makakapagbayad na sila ni Trey ng iba pang mga bayarin at makakapagbigay rin ng sorpresa…

HINDI NAKALILIMOT ANG DIOS

Noong bata pa ako, nangongolekta ako ng mga selyo. Nang malaman ni Angkong (Fukienese para sa “lolo”) ang tungkol sa aking libangan, nagsimula siyang magtabi ng mga selyo mula sa mga sulat sa kanyang opisina araw-araw. Tuwing bumibisita ako sa kanila, binibigyan ako ni Angkong ng sobreng puno ng iba’t ibang magagandang selyo. “Kahit palagi akong abala,” minsan niyang sinabi,…

HIGIT SA PAGDALO

Noong pandemya ng COVID-19, ilang buwang naghanap ng simbahang madadaluhan sina Dave at Carla. Dahil sa mga panuntunang pangkalusugang naglilimita sa mga sama-samang pagtitipon, lalo silang nahirapan. “Mahirap makahanap ng simbahan,” sabi ni Carla sa kanyang email sa akin. Tugon ko naman sa kanya, “Ito ang panahon upang tayo ang maging simbahan.” Sa panahong iyon, kumilos ang aming simbahan upang mag-alok…

PAGTATANGI AT PAG-IBIG

Nag-aaral ako noon sa ibang bansa. Minsan, napansin kong tila malayo ang loob sa akin ng isang kaklase. Nang tanungin ko kung nasaktan ko siya sa anumang paraan, tumugon siya, ‘Hindi naman...At iyon nga ang problema ko. Napatay ang aking lolo sa digmaan, at dahil dito, matinding galit ang naramdaman ko sa mga tao mula sa bansa ninyo. Ngunit ngayon,…

MAGBIGAY TULAD NI CRISTO

Nang isinulat ng Amerikanong manunulat na si O. Henry ang kuwentong pamasko na “The Gift of the Magi” noong 1905, humaharap siya sa mga pansariling problema. Gayunpaman, naisulat niya ang isang nakakapagpalakas ng loob na kuwentong nagtatampok ng isang napakagandang katangian ni Cristo—ang pagsasakripisyo. Sa kuwento, may mahirap na babae ang nagbenta ng kanyang maganda at mahabang buhok sa bisperas…

PUSONG MAPAGBIGAY

Isa sa masasayang tradisyon tuwing Pasko ang bigayan ng mga regalo. Madalas may nag-iikot pang Santa Claus na nagreregalo sa mga bata. Ayon sa tradisyon, hango ang karakter na Santa Claus sa buhay ni Nikolas, isang lingkod ng Dios sa Turkey noong ikaapat na siglo. Bata pa siya nang mamatay ang kanyang mga magulang kaya’t kinupkop siya ng tiyuhin niya, na siyang…

PAMPALAKAS NG LOOB

Ilang taon na ang nakalipas mula nang bumisita ang pamilya namin sa Four Corners, ang tanging lugar sa Amerika kung saan nagtatagpo ang apat na estado sa isang lugar. Tumayo ang aking asawa sa bahagi ng Arizona. Tumalon naman ang panganay naming anak na si A.J. sa Utah. Ang bunso naming si Xavier, hawak ang aking kamay, ay lumakad papuntang…

DILIM AT LIWANAG

Nang matuklasan ni Elaine na mayroon siyang malubhang kanser, alam na nila ng asawa niyang si Chuck na hindi na magtatagal bago makapiling ni Elaine si Jesus. Pinanghawakan nilang mag-asawa ang pangako sa Salmo 23 na sasamahan sila ng Dios habang naglalakbay sila sa pinakamalalim at pinakamahirap na lambak sa kanilang limampu’t apat na taong pagsasama. Nagkaroon sila ng pag-asa…