Hari ng Alon
Si Haring Canute ang isa sa pinakamakapangyarihang tao noong mga taong 1100. May sikat na kuwento tungkol sa kanya. Minsan daw, nasa tabing dagat si Haring Canute. Dahil tumataas na ang tubig, inutusan niya ang dagat na huminto. Iniisip kasi ni Haring Canute dahil hari siya, dapat lahat ng nasa paligid niya ay susunod sa kanya. Pero hindi iyon nangyari, patuloy…
Magmahal nang Tama
Nanginginig ang boses ng isang nanay habang ikinukuwento ang problema niya sa kanyang anak na babae. Kinumpiska raw ng nanay ang cellphone ng anak at sinasamahan niya ito saan man magpunta. Hindi na naging maganda ang relasyon ng mag-ina. Nang kausapin ko naman ang bata, nalaman ko na mahal niya ang kanyang nanay pero nahihirapan siya sa kahigpitan nito. Gusto niya…
Tuloy po Kayo
Naging magandang alaala sa aming mag-asawa ang hapunan namin sa bahay kasama ang mga pamilyang bisita namin galing sa limang bansa. Maganda ang naging kuwentuhan namin dahil ikinukuwento ng bawat isa ang kanilang karanasan sa pagtira sa London. Kung nasiyahan ang aming mga bisita sa mainit naming pagtanggap sa kanila, mas lalo kaming nasiyahan sa pagbisita nila. Bukod sa nagkaroon kami…
Ang luma kong Sapatos
Kung minsan, hindi pa man ako tapos magsalita, alam na ng asawa ko ang susunod kong sasabihin. Ganoon din ako sa kanya. Sa higit na 30 taon naming pagsasama bilang mag-asawa, mas lalo naming nakilala ang isa’t-isa. Kaya may pagkakataon na hindi na namin kailangan pang tapusin ang aming mga sinasabi para magkaintindihan. Sa isang tingin at isang salita lang, kuha…