Month: Hulyo 2019

Malalim na Ugat

Ang puno ng sequioa ay isa sa mga punong pinakamataas at pinakamatagal ang buhay sa buong mundo. Ang taas nito ay umaabot ng mga 91 metro at may bigat na nasa 1.1 milyong kilo at tumatagal ng mga 3,000 taon. Dahil ito sa mga malalalim at malalaking ugat na nagsisilbing pundasyon ng puno.

Napakalalim at napakalaki man ng mga ugat na…

Inihahanda ng Dios

Dalawang taon akong nagtrabaho noon sa isang kainan. Nahirapan ako dahil kinailangan kong harapin ang mga nagrereklamo at humingi ng pasensya sa kanila kahit hindi naman ako ang nagkamali. Nang umalis na ako sa kainan, sinubukan kong pumasok sa isang trabaho na may kinalaman sa computer. Natanggap ako dahil maayos akong makitungo sa mga tao sa dati kong trabaho. Mas interesado…

Harapan

Sa panahon ngayon, nakikipag-usap tayo sa pamamagitan ng teknolohiya pero wala pa ring makahihigit sa pakikipag-usap nang harapan. Mas malalaman kasi ang nararamdaman ng isang tao sa tuwing nakikita natin ang ekspresyon sa kanilang mukha. Mas nasisiyahan tayo kapag nakakausap natin nang harapan ang ating mahal sa buhay tulad ng kapamilya o kaibigan.

Mababasa natin sa Biblia ang ganitong paraan ng…

Nagmamalasakit ang Dios

Nakakamangha ang kalawakan. Umiikot ang buwan ng 2,300 milya kada oras. Umiikot naman ang mundo sa paligid ng araw ng 66,000 milya kada oras. Ang ating araw ay isa lang sa 200 bilyong bituin. Trilyon naman ang bilang ng iba pang mga planeta.

Parang maliit na bato lamang ang ating mundo at maliliit na butil naman ng buhangin ang mga tao…

Laging Manalangin

Isang babae ang kumuha ng upuan at lumuhod sa tapat nito. Umiiyak niyang sinabi, “Panginoong Dios, inaanyayahan ko po kayong umupo rito.

Nais ko po kayong kausapin.” Nanalangin siya habang tinitingnan ang upuan. Iniisip ng babae na nakaupo mismo ang Dios sa upuang iyon at malakas ang paniniwala niyang nakikinig ang Dios sa kanyang panalangin.

Mahalaga ang paglalaan ng oras sa…