Katahimikan
Sa panahon natin ngayon, mas madali na lang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga bagay bagay. Napupuno ng mga ito ang ating isipan. Dahil dito, mas nagiging mahirap ang paglalaan natin ng oras para sandaling manahimik upang mapagbulayan ang Salita ng Dios at manalangin.
Sinasabi naman sa Awit 46:10, “Tumigil kayo at kilalanin niyo na Ako ang Dios” (ASD). Ipinapaalala nito…
Hindi Inaasahan
Minsan, may nangaral sa lamay ng isang sundalo. Nagbigay siya ng mga haka-haka kung saan mapupunta ang kaluluwa ng sundalo. Naisip ko tuloy, nasayang ang pagkakataon na maipahayag kung paano maliligtas ang tao mula sa kaparusahan sa kasalanan. Paano pa kikilos ang Dios kung hindi totoo ang mga naipangaral niya?
Buti na lang, ipinaawit ang “Dakila Ka”. Nagsimulang magpuri nang buong…
Mapapalitan ng Kagalakan
Hindi naging madali ang panganganak ni Kelly dahil sa mga kumplikasyon. Pero nakalimutan na niya ang naranasan niyang paghihirap nang mahawakan niya ang bagong silang niyang anak. Napalitan ng tuwa ang kanyang paghihirap.
Pinatotohanan ito sa Biblia, “Kapag manganganak na ang isang babae, siya'y nalulungkot sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghihirap. Ngunit pagka-panganak niya, nakakalimutan na niya ang kanyang…
Natatanging Nilikha
Bawat isa sa atin ay natatanging likha ng Dios. Ang Dios ang pinagmulan ng ating mga talento. Hindi natin ito pinaghirapan. Pinag-isipan Niyang mabuti nang may pagmamahal kung paano Niya lilikhain ang bawat isa sa atin.
Nilikha ng Dios ang inyong katawan, isip at kaluluwa. Pero hindi roon natatapos ang lahat, nais Niya na magpatuloy kayong lumago. Sinasabi sa aklat ng…
Mapayapang Tahanan
Nasa 64 milyon na ang bilang ng mga refugee sa buong mundo ngayon. Sila ang mga napilitang iwan ang kanilang mga bansa dahil sa matinding pag-uusig. Hinikayat ng isang organisasyon ang mga lider ng iba’t ibang bansa na patuloy na tumanggap ng mga refugees. Sa gayon, magkakaroon ng magandang edukasyon ang bawat bata, mabibigyan ng maayos na trabaho ang mga nakatatanda…