Month: Setyembre 2019

Pigilin ang Galit

Habang naghahapunan kami ng kaibigan ko, ikinuwento niya sa akin na naiinis siya sa isa niyang kapamilya. Hindi niya kasi masabi sa kanyang kapamilya ang mga bagay na kanyang ikinaiinis. Nang subukan namang kausapin ng kaibigan ko ang kanyang kapamilya, sinagot lang siya nito nang pabalang. Hindi raw napigilan ng kaibigan ko na magalit. Nagdulot tuloy ang pangyayaring iyon ng hidwaan…

Sino ang iyong Ama?

Nang bumili ako ng cellphone sa ibang bansa, hiningan ako ng mga impormasyong karaniwang hinihingi tulad ng pangalan, nasyonalidad, at tirahan. Nagulat naman ako nang hingin din ang pangalan ng aking ama. Napaisip tuloy ako kung bakit importanteng malaman nila kung sino ang aking ama dahil sa kultura nami’y hindi naman ito importante. Pero sa kultura ng bansang iyon, mahalagang malaman…

Pagsunod

Minsan, napagsalitaan ko ng hindi maganda ang aking asawa. Hindi kasi nasunod ang gusto kong mangyari. Binalewala ko noon ang pagpapaalala sa akin ng Banal na Espiritu ng mga talata sa Biblia na nagpapakita ng mali kong pag-uugali. Makakabuti ba sa aming pagsasama ang pagmamataas ko at ang pagsuway ko sa Dios? Hinding hindi. Kahit humingi ako ng tawad sa Dios…

Manatili nang Sandali

Habang pinag-uusapan ang pelikulang The Lord of the Rings, sinabi ng isang kabataan na mas gusto niyang binabasa ang mga kuwento sa libro kaysa panoorin ito sa sinehan. Nang tanungin ang kabataang iyon kung bakit, sinabi niya, “Maaari kasi akong manatili sa isang bahagi ng kuwento at basahin ito ng basahin hangga’t gusto ko.” May magandang epekto ang pagbubulay-bulay sa isang…

Magpatawad

Naramdaman ni Tham Dashu na tila may kulang sa buhay niya. Kaya, pumunta siya sa pagtitipon ng mga sumasampalataya kay Jesus kung saan dumadalo ang kanyang anak. Hindi sila magkasabay na pumupunta roon dahil mayroon silang hindi pagkakaunawaan na mag-ama. Kaya naman malayo ang loob nila sa isa’t isa. Pumapasok si Tham kapag nagsisimula na ang pag-awit ng papuri sa Dios…