Sa Bisig ng Dios
Minsan, nakasama kong kumain ang kapatid ko at ang kanyang mga anak. Nang malapit na kaming matapos kumain, sinabi ng kapatid ko sa anak niyang si Annica na maghanda nang matulog. Mangiyak-ngiyak namang sinabi ni Annica, “Pero hindi pa ako kinakarga ni Tita Monica.” Nakangiting sumagot ang kapatid ko, “Sige, kakargahin ka muna niya bago ka matulog."
Habang karga ko si…
Bagong Pangalan
May sinabi ang manunulat na si Mark Labberton tungkol sa kahalagahan ng mga itinatawag sa atin. Sabi niya, “Ramdam ko pa rin ang malaking epekto ng itinawag sa akin ng kaibigan kong mahusay sa musika. Binansagan niya ako na ‘mahimig’. Siya lang ang tumawag sa akin ng gano’n. Hindi naman ako tumutugtog ng instrumento at hindi rin nangunguna sa pagkanta. Pero…
Ang Mabuting Pastol
Lubos akong nag-alala nang ooperahan sa mata ang aking anak. Habang naghihintay kami ng asawa ko, ninerbyos ako at napuno ng takot. Nanalangin ako sa Dios na bigyan Niya ako ng kapayapaan noong mga oras na iyon. Habang binubuklat ko ang aking Biblia, naalala ko ang Isaias 40. Naisip ko na baka may maiturong bagong aral ang kabanatang ito sa akin.…
Pantatak
May nahukay ang mga arkeologo na isang lumang pantatak ng hari sa may Jerusalem. Matagal pa bago nila nadiskubre kung gaano iyon kahalaga nang suriin iyon ng isang dalubhasa. Pag-aari pala ng dating hari ng Juda na si Hezekias ang halos 3,000 libong taong gulang na pantatak na iyon.
Makikita sa gitna ng pantatak ang hugis araw na may dalawang pakpak.…
Panggising
Madalas akong bumiyahe noon sa iba’t ibang lugar. Sa mga byahe kong iyon, gumagamit ako lagi ng mga panggising sa umaga.
Mababasa naman sa Pahayag ang mga paalala ni Juan sa pitong iglesya para magising ang kanilang nananamlay na pananampalataya. Isinulat ni Juan sa mga taga Sardis ang mensahe mismo ni Jesus, “Alam Ko ang mga ginagawa n’yo. Marami ang nagsasabi…