Month: Nobyembre 2019

Mga Buto

Noong maliliit pa ang mga anak namin, gustong-gusto nilang saluhin ang mga butong nahuhulog mula sa puno ng aming kapitbahay. Mukhang umiikot na elesi ang mga butong iyon habang nahuhulog sa lupa. Pero hindi umiikot ang buto para lumipad kundi para mahulog sa lupa at tumubong muli.

Bago naman ipako sa krus si Jesus, sinabi Niya sa mga tagasunod Niya,…

Kapayapaan

Sa bakuran namin ay may isang napakatandang puno. Sa tingin nami’y malapit na itong mamatay kaya tumawag kami ng dalubhasa sa mga puno. Mahalaga kasi sa amin ang punong iyon. Sabi ng dalubhasa, parang nababalisa raw ang puno at kailangang may gawin kami agad para bumuti ang kalagayan nito. Dumagdag pa tuloy ito sa aming mga alalahanin.

May mga panahon…

Kamangha-mangha

Gumagawa ng lagayan ng mga palaso ang aking ama. Inuukitan niya ito ng mga larawan ng mga hayop. Pinanood ko siya minsan kung paano niya ginagawa ang mga iyon. Kitang-kita ko kung gaano siya kaingat sa pag-uukit. Ang resulta, napakaganda ng mga nagawa niya.

Lubos akong humanga sa mga ginawa ng aking ama. Naisip ko tuloy na madalas na hindi ko…

Taguan

Kapag naglalaro ang mga bata ng taguan, akala nila na nakapagtago na sila kapag tinakpan ang kanilang mga mata. Dahil hindi na sila nakakakita, iniisip nila na hindi na rin sila makikita ng kalaro nila.

Sa tingin natin, patay malisya ang mga batang iyon. Pero minsan, nagagawa rin natin na parang nagtatakip tayo ng mata sa harap ng Dios. Kapag may…

Tumulong at Matulungan

Nang magkasakit si Marilyn, marami ang tumulong sa kanya. Nag-alala tuloy siya kung paano niya masusuklian ang lahat ng kabutihang ipinakita nila. Minsan, may nabasa si Marilyn na isang panalangin. Sabi roon, “Idalangin ang kapwa para matutunan nilang magpakumbaba sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na tumulong sa iba, kundi ang matulungan din.” Dahil dito, naisip ni Marilyn…