Month: Setyembre 2020

Makakabuti Ba?

Dahil mahilig ako sa dark chocolate, tiningnan ko sa Google kung makakabuti ba ito para sa akin. Nakakita ako ng iba’t ibang sagot, may nagsasabi na mabuti ito at may nagsasabi naman na makakasama ito sa kalusugan. Maaari din natin tingnan sa Google kung makakabuti ba sa atin ang iba pang pagkain tulad ng gatas, kape, atbp. Maaaring sumakit ang mga ulo…

Lumapit sa Kanya

Nang minsang nagtuturo kami ng Biblia, isang bata ang pumukaw sa aming atensyon. Gutom na gutom siya na kahit ang tira ng ibang bata ay kinain niya. At hindi pa rin siya nakuntento nang bigyan ko siya uli ng makakain. Naging palaisipan sa amin kung bakit sobrang gutom ang bata.

Naisip ko na ganoon rin tayo minsan pagdating sa ating emosyon…

Kahulugan ng Pangalan

Si Gip Hardin ay isang mangangaral ng Salita ng Dios. Sa kagustuhan niyang maging lingkod din ng Dios ang kanyang anak, pinangalanan niya itong John Wesley na pangalan ng isang sikat na mangangaral. Ngunit iba ang tinahak na daan ni John Wesley Hardin. Naging isa itong kriminal noong 1800’s na nakapatay ng 42 lalaki.

May ibig sabihin ang mga pangalan sa…

May Wi-Fi ba?

“May Wi-Fi ba? Iyan ang madalas itanong sa akin ng mga kasama kong kabataan habang naghahanda kami sa pagpunta sa isang lugar para magmisyon. Tiniyak ko sa kanila na mayroon pero noong nandoon na kami, naaligaga ang lahat nang minsang mawalan ng Wi-Fi.

Marami sa atin ang hindi na sanay na mawalay sa mga cellphone natin. Kapag naman hawak-hawak natin ang…

Alam ang Pangalan

Nang minsang bumisita ako sa National September 11 Memorial sa New York City, kinuhanan ko ng litrato ang isa sa dalawang pool na nandoon. Nakaukit sa paligid ng mga pool na ito ang mga pangalan ng namatay noong salakayin ang World Trade Center. Nang tingnan ko ng maigi ang litrato, napansin ko ang kamay ng isang babae na nakahawak sa pangalan…