Magtiwala kay Jesus
Minsan, naghanap kami ng mekaniko para ayusin ang aming sasakyan. Dahil mukhang bata pa ang nahanap naming mekaniko, nag-alinlangan ang asawa ko. Iniisip niya na baka hindi nito kayang ayusin ang sasakyan namin. Ang pag-aalinlangan ng asawa ko sa mekanikong iyon ay maihahalintulad sa pag-aalinlangan ng mga taga Nazaret kung sino talaga si Jesus at kung ano ang kaya Niyang gawin.…
Ako’y sa Panginoon
Parami na ng parami ang nagpapalagay ng tattoo sa ngayon. May maliliit na tattoo na halos hindi mapapansin at mayroon naman na malalaki at makukulay na kadalasang ipinapalagay ng mga atleta at mga artista.
Ano man ang pananaw mo sa tattoo, mababasa natin sa Isaias 44 ang tungkol sa mga tao na para bang naglagay ng tatak sa kanilang mga kamay…
Tapat na Pag-ibig
Tuwing umaga, bago ako pumasok sa eskuwelahan, sinasabi sa akin ng aking ama, “Mahal kita, anak.” Minsan, parang nabalewala ko ang pagsabi niya sa akin na mahal niya ako. Hindi naman ako galit, nagkataon lang na may iba akong iniisip noon. Gayon pa man, hindi nagbabago ang pagmamahal sa akin ng tatay ko.
Ganoon din ang pag-ibig ng Dios at higit…
Tahanan
Ang kaibigan kong si Patsy na nagbebenta ng bahay at lupa ay namatay dahil sa sakit na kanser. Habang ginugunita namin ang mga nagawa niya noong nabubuhay pa siya, naalala ng asawa ko ang pagpapahayag ni Patsy ng Magandang Balita. Isa sa mga sumampalataya kay Jesus sa pamamagitan ni Patsy ay naging kaibigan namin.
Nakakatuwang alalahanin na hindi lamang nakatulong si…
Ang Pagkilos ng Dios
Ang aking kaibigan ay inampon ng mag-asawang misyonero na nakadestino sa bansang Ghana. Pagbalik nila sa Amerika, nagkolehiyo ang kaibigan ko pero kalaunan ay huminto siya dahil sa kakapusan sa pera. Nagtrabaho muna siya bilang sundalo at nakarating siya sa iba’t ibang bansa dahil doon. Ipinahintulot ng Dios ang mga pangyayaring iyon bilang paghahanda sa kaibigan ko sa isang mahalagang tungkulin.…