Nais ko talagang matutong tumugtog ng cello. Kaya lang, hindi ako magkaroon ng pagkakataon para makapagaral nito. Pero ang totoo, hindi ko lang talaga ito binibigyan ng panahon. Pero ang totoo, hindi ko lang talaga ito binibigyan ng panahon. Naisip ko pa nga na baka sa langit ko na lang ito aaralin. Kasi sa ngayon, ang gamitin ang ibinigay na kakayahan ng Dios sa akin at ang pagsilbihan Siya ang gusto ko lang gawin.

Maikli lang ang buhay ng tao na puwede niyang igugol dito sa mundo. Kaya naman, nahihirapan tayong gawin ang lahat ng bagay na gusto nating gawin. Pero ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng buhay?

Ito rin ang tanong na nais sagutin ni Haring Solomon sa kanyang pagbubulay-bulay. At sa paggawa nito, nagkaroon siya ng dalawang payo. Una, mamuhay tayong maligaya at may kabuluhan nang ayon sa nais ng Dios. Ang ibig sabihin lamang nito ay maging masaya tayo sa lahat ng ipinagkakaloob sa atin ng Dios tulad ng pagkain, damit, magandang samahan ng mag-asawa, at marami pang iba (MANGANGARAL 9:7-9).

Pangalawa, ang gawin ang lahat ng ating makakaya sa ating ginagawa (TAL. 10). Dahil binibigyan tayo ng pagkakataon ng Dios na magawa ang mga bagay na gusto nating gawin sa buhay, maging masigasig tayo sa paggawa nito. Gamitin din natin ang mga pagkakataon at ang mga ipinagkaloob na kakayahan sa atin ng Dios upang mapaglingkuran Siya.

Napakagandang regalo mula sa Dios ang buhay kaya gawin natin itong makabuluhan. Purihin natin Siya sa tuwing tayo’y nakatatanggap ng mga pagpapala at kabutihan na mula sa Kanya.