Month: Enero 2021

Hindi Masusukat

Para sa isang claustrophobic na tulad ko, napakahirap ang manatili sa loob ng MRI machine. Kinailangan kong ituon ang isipan ko sa ibang bagay at para maalis ang isipan ko kung nasaan ako.

Habang naririnig ko ang tunog ng makina, naisip ko ang sinasabi sa Efeso 3, “kung gaano kalawak, at kahaba, at kataas, at kalalim ang pag-ibig ni Cristo” (TAL.…

Malugod na Pagtanggap

Ginaganap ang aming pananambahan sa isang dating eskuwelahan na ipinasara noong 1958 dahil tumanggi itong sumunod sa utos ng korte na payagan nang makapag-aral doon ang mga African-American. Mga puti o Caucasian lang kasi ang nag-aaral sa eskuwelahang iyon. Nang sumunod na taon, muli itong nagbukas at kabilang sa mga estudyanteng African-American na naunang nag-aral doon si Elva. Naalala pa niya ang…

Hindi Inaasahan

Noong nakaraang taon, idinalangin naming magkakaibigan ang tatlong babae na may sakit na kanser. Naniniwala kami na kayang-kaya silang pagalingin ng Dios. May mga pagkakataon na gumaganda ang kanilang kalusugan pero hindi nagtagal at namatay din silang lahat. Sinabi ng ilan na maituturing ito na “tunay na kagalingan” pero lubos pa rin naming ikinalungkot ang kanilang pagkawala. Hindi iyon ang kasagutan…

Lunas sa Pag-aalala

Nakatanggap ng isang voicemail ang isang lalaki mula sa isang pulis. Tapat at sumusunod naman siya sa batas pero lubos siyang nag-alala na baka may nagawa siyang mali. Dahil sa takot, hindi niya tinawagan ang numerong ibinigay ng pulis. Ilang gabi rin siyang hindi nakatulog sa pag-iisip kung ano ang mga posibleng mangyari. Bagamat hindi na siya nakatanggap ng tawag mula…

Simpleng Tao

Isang sakiting bata noon si William Carey na mula sa isang simpleng pamilya na naninirahan sa Northampton, England. Dahil dito, tila hindi magiging maganda ang kanyang kinabukasan. Ngunit may plano para sa kanya ang Dios. Sa kabila ng mga balakid, nagpunta siya sa India upang ipahayag ang Salita ng Dios. Nagkaroon ng mga pagbabago sa bansang iyon dahil sa kanya at…